Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Hindi OkayHalimbawa

Not Okay

ARAW 4 NG 28





Nangyari na ba na ang isang pelikula, libro, o palabas sa TV ay nasira dahil sinabi sa iyo ang mangyayari? May hindi sinasadyang nagsabi sa iyo na — spoiler alert! — Si Darth Vader ang tatay ni Luke o namatay si Iron Man sa Endgame, o kung sino ang nabigyan ng rosas sa The Bachelor bago mo pa man mapanood? Medyo nakakainis ito. Ngayong alam mo na kung paano ito nagtatapos, bakit papanoorin pa ang natitirang eksena?


Ngunit kung minsan, hindi mo ba nais na sabihin ng Diyos ang katapusan? Kung ang Diyos ay tunay na namamahala ng lahat, bakit hindi na lang laktawan ang masasamang bagay — lahat ng digmaan, mga sakit, at mga pusong wasak — at makarating sa masayang wakas?


Madali lang na hilingin sa Diyos na i-fast forward na lang hanggang sa dulo. Ngunit kapag nagsisimula tayong makaramdam ng ganoon, mahalagang tandaan natin kung gaano kalaki ang Diyos kaysa sa atin. Sa parehong paraan na maaaring hindi maunawaan ng iyong aso kung bakit kailangan mong hintaying maging berde ang ilaw bago tumawid ng kalye, hindi natin laging nauunawaan bakit natatagalan ang Diyos. Ngunit hindi 'yan nangangahulugan na walang mabuting dahilan!


Ganito ang sinasabi ng Mga Mangangaral 3:1: May kanya-kanyang panahon ang lahat ng bagay. Nangangahulugan iyon na may panahon para sa mabubuting bagay, ngunit mayroon ding panahon sa mga paghamon. Ang mga hamon ay maaaring nakaka-stress. Maaring mabahala tayo sa mga ito. Ngunit hindi iyan nangangahulugan na hindi sila bahagi ng plano ng Diyos. At ang planong iyan ay may masayang wakas . . . kahit na hindi pa natin ito nakikita.


Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Not Okay

Titingnan natin ang apat na pangunahing sanhi ng stress na kinakaharap nating lahat at tingnan kung paanong ang Salita ng Diyos ay makapagbibigay sa atin ng kaaliwan, gabay at tulong sa bawat isa sa kanila. Pag-uusapan n...

More

Nais naming pasalamatan ang Stuff You Can Use sa pagkakaloob ng gabay na ito.Para sa higit pang impormasyon, bistahin ang: https://growcurriculum.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya