Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Hindi OkayHalimbawa

Not Okay

ARAW 3 NG 28





Ano ang ibig sabihin ng salitang "pag-asa"?


Para sa ilang tao, ito ay nangangahulugan ng paghiling mula sa isang masuwerteng bituin. Hindi mo alam kung ang mga bagay ay magiging mabuti o masama, ngunit "umaasa" ka na ang mga ito ay magiging mabuti. Hindi mo alam kung makakapasok ka sa kolehiyo na gusto mo, magkakaroon ng magandang grado sa isang malaking pagsusulit, o makakakuha ng magandang papel sa dula sa paaralan . . . ngunit tiyak na "umaasa" ka.


Kapag ginamit ng tao ang "pag-asa" sa ganitong paraan, ang ibig nilang sabihin ay "labis na umaasa". Tinitingnan nila ang baso bilang kalahating puno. Sinisikap nilang labis na umasa sa hinaharap. At walang masama doon! Mabuti na lubos na umasa. Ngunit hindi iyan ang ibig sabihin ng Biblia kapag tumutukoy ito sa pag-asa.


Sa pagbasa ngayong araw, sinasabi ni Pablo sa kanyang mga kaibigan sa Roma ang tungkol sa pag-asa, ngunit hindi siya tumutukoy sa magandang pananaw. Sa halip, sinasabi ni Pablo na mayroon tayong "pag-asa sa kaluwalhatian ng Diyos." Hindi iyan nangangahulugan na nag-iisip tayo sa Diyos na parang kara-krus na sana ay maging ulo at hindi buntot. Nangangahulugan ito na inilalagay natin ang ating tiwala sa Diyos dahil alam natin na hawak ng Diyos ang ating kinabukasan. Ang "pag-asa" sa Diyos ay hindi lamang isang magandang pakiramdam — ito ay isang katotohanan na pinaniniwalaan natin, kahit na mahirap ang mga bagay.


At ang mga bagay ay nagiging mahirap kung minsan! Kapag tayo ay dumadaan sa isang mahirap na panahon, dumaranas ng pagkabahala o pag-aalala, madaling tumigil sa "pakiramdam" na parang maaari tayong umasa sa Diyos. Ngunit sinasabi ni Pablo na yaon ang mga pagkakataon kung kailan ginagamit ng Diyos ang ating pag-asa upang dalisayin tayo.


Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Not Okay

Titingnan natin ang apat na pangunahing sanhi ng stress na kinakaharap nating lahat at tingnan kung paanong ang Salita ng Diyos ay makapagbibigay sa atin ng kaaliwan, gabay at tulong sa bawat isa sa kanila. Pag-uusapan n...

More

Nais naming pasalamatan ang Stuff You Can Use sa pagkakaloob ng gabay na ito.Para sa higit pang impormasyon, bistahin ang: https://growcurriculum.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya