Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Hindi OkayHalimbawa

Not Okay

ARAW 5 NG 28





Ang pagkokontrol ng stress at pag-aalala ay parang pagbabalanse ng mga pin ng bowling. Hangga't mayroon kang dalawa o tatlo, okay ka. Makokontrol mo ito! Ngunit kapag mayroon kang apat o limang pin ng bowling, na kailangan mong patuloy na paikutin, ang mga bagay ay nagiging mas mahirap. Sa oras na dumating ka na sa anim o pito, hmmm, . . . kalimutan mo na iyon.


Lahat tayo ay mayroong mga limitasyon. Talagang mayroon lang dami ng stress ang kayang hawakan ng isang tao sa isang pagkakataon! At kapag naabot mo na ang pinakamataas na kapasidad para sa stress, ikaw ay parang karton ng kahon na may napakaraming bagay sa loob nito.Pakiramdam mo ay malapit ka nang gumuho.


Kapag nangyari ito, ang unang bagay na dapat tandaan ay huwag sisihin ang sarili mo. Ang buhay ay hindi laging dapat nakaka-stress, at ikaw ay hindi masama o mahina dahil sa sobrang pagiging stress. Lahat tayo ay nangangailangan ng pahinga kung minsan. Lahat tayo ay nangangailangan ng tulong.


Ang higit pang mas mahalagang tandaan ay ang Diyos ay nag-aalok ng isang ligtas na lugar kapag tayo ay nakakaramdam ng stress at pagkabahala. Maaaring pakiramdam natin na tayo ay nauubusan na ng pag-asa para sa anumang mga hamon na ating kinakaharap, ngunit ang Diyos ay walang limitasyon sa pag-asa. Kapag nararamdaman natin na parang nawawalan na tayo ng lakas, naunawaan tayo ng Diyos.


Ang mga manunulat ng Mga Awit ay nagsasabi nang madalas tungkol sa "pagtingin sa Diyos". Nangangahulugan iyon na nagpasiya silang tumigil sa pagtingin sa kanilang sarili upang malutas lahat ng kanilang problema at nagsimulang tumingin sa Kanya na gumagabay sa kanila sa tamang direksyon.


Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Not Okay

Titingnan natin ang apat na pangunahing sanhi ng stress na kinakaharap nating lahat at tingnan kung paanong ang Salita ng Diyos ay makapagbibigay sa atin ng kaaliwan, gabay at tulong sa bawat isa sa kanila. Pag-uusapan n...

More

Nais naming pasalamatan ang Stuff You Can Use sa pagkakaloob ng gabay na ito.Para sa higit pang impormasyon, bistahin ang: https://growcurriculum.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya