Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Hindi OkayHalimbawa

Not Okay

ARAW 6 NG 28





Kapag naghahanda ka para sa isang biyahe, kailangan kang magplano nang maaga. Kailangang tiyakin mo na marami kang merienda para sa paglalakbay. Kailangang malaman mo ang iyong mga direksyon sa Waze. Kailangang alam mo kung gaano katagal bago makarating sa iyong pupuntahan. At, higit sa lahat, kailangang may gasolina ka sa tangke. Hindi ka makakarating nang napakalayo sa isang mahabang biyahe kung walang gasolina.


Isang bagay na malaman iyon para sa isang biyahe. Pero iba naman ito pagdating sa buhay. Marahil nagkaroon ka ng karanasan kung saan parang wala nang laman ang iyong tangke ng gasolina. Nawawalan ka na ng pag-asa. Ikaw ay labis na nag-aalala, nai-stress, at pagod na sa pagharap sa lahat ng pang-araw-araw na drama na hindi mo na alam kung paano gumawa ng isa pang hakbang.


Binabanggit ng Biblia ang tungkol sa ganitong damdamin. At ang mabuting balita ay nalaman ng may-akda ng Mga Awit kung ano ang gagawin kapag nangyari ito: umasa sa Diyos.


Kapag ang iyong pag-asa ay nasa iyong sarili, mawawalan ka ng gasolina. Ngunit kapag umaasa ka sa Diyos, ikaw ay nakakonekta sa isang pinagkukunan ng walang limitasyong pag-asa. Inilalarawan ito ng Biblia bilang kakayahang tumakbo nang hindi napapagod. Kung ikaw ay nagpaplano ng isang biyahe, tiyaking alam mo kung gaano karaming gasolina ang kakailanganin upang makarating ka sa gusto mong puntahan. Ngunit, kung sinusubukan mong magplano nang maaga sa buhay, mayroon ka ng lahat ng lakas na kakailanganin mo . . . kailangan mo lang kumonekta sa tamang pinagkukunan.


Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Not Okay

Titingnan natin ang apat na pangunahing sanhi ng stress na kinakaharap nating lahat at tingnan kung paanong ang Salita ng Diyos ay makapagbibigay sa atin ng kaaliwan, gabay at tulong sa bawat isa sa kanila. Pag-uusapan n...

More

Nais naming pasalamatan ang Stuff You Can Use sa pagkakaloob ng gabay na ito.Para sa higit pang impormasyon, bistahin ang: https://growcurriculum.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya