Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Hindi OkayHalimbawa

Not Okay

ARAW 9 NG 28





Ang isa sa lubhang nakakadismayang bahagi ng pagbubuo ng isang jigsaw puzzle ay kapag ang isang piraso ay mukhangkatugma ng isa pang piraso, ngunit hindi talaga kumokonekta. Ito ay nakakalito. Ang mga piraso ay maaaring tama ang kulay at hugis, ngunit hindi sila magkasya. Kapag hindi mo nakikita ang buong larawan, ang paggawa ng maliliit na pagkakamali tulad nito ay madali.


Maaaring katulad din ito ng mga tao. Kung minsan, may nakikita kang ibang tao o maging isang grupo ng mga tao, at pakiramdam mo ay dapat kang maging akma. Gusto mong maging kaibigan ka nila o marahil lumabas kasama nila. Nasisiyahan ka sa mga bagay na nasisiyahan sila. Bakit hindi ka pwedeng makakonekta? Pero susubukan mo at tatanggihan ka. Ito ay nakakalito . . . at masakit.


Kapag tinanggihan ka tulad nito, may mga ilang bagay na dapat tandaan. Una, ang pagtanggi ay hindi nangangahulugan na may mali sa iyo. Tulad ng walang anumang mali sa piraso ng puzzle na iyon. Hindi ito tumugma sa kung saan mo inisip. Kailangan mo lang mahanap ang tamang lugar.


Ang isa pang bagay na dapat tandaan ay, katulad ng puzzle na iyon, hindi mo pa nakikita ang buong larawan. Sinasabi ng Biblia na, sa ngayon, "bahagi lamang ang alam natin." Ang pagtanggi na kinakaharap natin ngayon sa buhay ay maaaring hindi makatuwiran. Ngunit isang araw, kapag ipinakita sa atin ng Diyos ang buong larawan, makikita natin ang plano nang mas malinaw at mauunawaan kung bakit nangyari ang mga bagay sa ganoong paraan.


Banal na Kasulatan

Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

Not Okay

Titingnan natin ang apat na pangunahing sanhi ng stress na kinakaharap nating lahat at tingnan kung paanong ang Salita ng Diyos ay makapagbibigay sa atin ng kaaliwan, gabay at tulong sa bawat isa sa kanila. Pag-uusapan n...

More

Nais naming pasalamatan ang Stuff You Can Use sa pagkakaloob ng gabay na ito.Para sa higit pang impormasyon, bistahin ang: https://growcurriculum.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya