Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Hindi OkayHalimbawa

Not Okay

ARAW 2 NG 28





Noong kapanahunan ng Biblia, ang makabagong tubo ng tubig ay malayo. Iyan ay nangangahulugan na walang mabilis at madaling paraan ng paliligo o tubig na dagliang lalabas sa gripo para sa inumin. Sa halip, ang karamihan sa mga bayan ay umaasa sa isang lokal na balon. Tuwing umaga, may isa sa bawat bahay na bumababa sa balon na may dalang isa o dalawang timba para sumalok ng tubig na kaya nilang dalhin pabalik sa bahay. At pagkatapos, kailangan mong magtipid ng tubig hanggang sa talagang kailangan mo ito — kung hindi, kailangan mong bumalik muli sa balon.


Nangangahulugan iyan na ang tao sa panahon ni Jesus ay kailangang mas maging mapili kapag nagpasya silang uminom ng tubig. Malamang na ito ay nakakainis! Sila ay nakatira sa mainit na klima. naglalakad kung saan-saan, at halos lahat ay may napakaraming pisikal na gawain. Ang mga tao ay madalas na mauuhaw. Ngunit kailangan nilang mag-ingat kung gaano kadalas sila uminom ng tubig.


Kaya, maaari mong isipin kung bakit ang mga salita ni Jesus sa talata ngayon ay nagpasigla sa kanyang mga tagapakinig. Tubig na kapag ininom ay hindi ka na muling mauuhaw pa? Sinong hindi magpapalista?!


Pero hindi pisikal na uhaw ang tinutukoy ni Jesus. Siya ay tumutukoy ng isang bagay na mas malalim at mas mahalaga pa — siya ay tumutukoy sa pag-asa na Kanyang iniaalok. Paa sa karamihan sa atin, ang pag-asa ay isang bagay na madaling maubos. Nag-aalala tayo o nababahala, at para bang nawala na ang ating ating pag-asa. Ngunit sinasabi ni Jesus na sa isang higop ng Kanyang pag-asa, hindi ka na muling mauuhaw.


Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Not Okay

Titingnan natin ang apat na pangunahing sanhi ng stress na kinakaharap nating lahat at tingnan kung paanong ang Salita ng Diyos ay makapagbibigay sa atin ng kaaliwan, gabay at tulong sa bawat isa sa kanila. Pag-uusapan n...

More

Nais naming pasalamatan ang Stuff You Can Use sa pagkakaloob ng gabay na ito.Para sa higit pang impormasyon, bistahin ang: https://growcurriculum.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya