Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Banal na Pamamahala sa OrasHalimbawa

Divine Time Management

ARAW 6 NG 6

Pagmamahal sa Iyong Sarili sa Pamamagitan ng Iyong Oras



Upang magkaroon ng kakayahang mahalin nang mabuti ang iba, kailangan nating maglaan ng oras upang mahalin ang ating sarili nang maayos. Nangangailangan iyon hindi lamang ng pangangalaga sa pisikal na pangagatawan kundi pati na rin ang pangangalaga sa sarili pagdating sa espiritwal, emosyonal, at sa kaisipan. Kapag iginagalang natin ang ating sarili sa pamamagitan ng ating oras, mayroon tayong higit na kakayahang ipakita ang mga bunga ng Banal na Espiritu sa ating buhay. Kapag hindi natin minamahal ang ating sarili sa pamamagitan ng ating oras, ang pagpapakita ng mga bunga ng Banal na Espiritu ay tila isang pakikibaka. 



“Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.” ~Mga Taga-Galacia 5:22-23 (RTPV05)



Ang mabuting pangangalaga sa sarili ay hindi nangangailangan ng mga dramatikong pagbabago.Maaari itong pagbuo ng ilang simpleng mga gawi at pagkatapos ay manatiling naaayon sa iyong mga pangangailangan. 



Halimbawa sa pangangalagang pang-espirituwal sa sarili, maaari kang mangako sa pagbabasa ng Biblia at pagdarasal araw-araw. Mas gusto kong gawin ang aking pang-araw-araw na debosyon muna sa umaga, ngunit maaari kang makahanap ng ibang oras na mas mahusay para sa iyo. At pagkatapos ay maging alisto sa anumang higit na oras na maaaring kailanganin mong gugulin kasama ang Diyos. Halimbawa, kapag mayroon akong pinagdadaanan, minsan ay kumukuha ako ng dagdag na oras upang mag-sulat. 



Sa pisikal na pangangalaga sa sarili, ang pagtulog, pagkain, at pag-eehersisyo ay ilan sa mga pangunahing haligi ng kabutihan. Ang pagkakaroon ng pare-parehong oras ng pagtulog, pagkain ng mga pagkain na sa tingin mo ay masustansiya, at paglalaan ng ilang oras para sa pisikal na aktibidad ay maaaring gumawa ng malaking pagkakaiba sa iyong kalusugan. Upang magsimula, subukan ang isang simpleng bagay tulad ng pagtatakda ng isang umuulit na alarmang "maghanda para sa pagtulog" sa iyong telepono. Pagkatapos ay layunin na bagalan ang mga gawain sa oras na iyon upang makakuha ng sapat na pagtulog. 



Sa pang-emosyonal na pangangalaga sa sarili, kailangan nating maglaan ng oras upang magkaroon ng kamalayan kung anong mga emosyonal na pasanin ang dinadala natin upang maibigay natin ang mga iyon sa Diyos nang regular. 



“Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.” ~1 Pedro 5:7 (RTPV05) 



Para sa akin, maraming emosyonal na paglaya ang nangyayari sa oras ng aking pagdarasal sa umaga. Ngunit kung minsan, marami akong mga bagay na pinagtutuunan, at kailangan kong maglaan ng karagdagang oras sa pagdarasal sa paglaon ng araw o kaya ay makipag-usap sa isang kaibigan. 



Sa kahuli-hulihan, sa ating pag-aalaga sa ating mga isipan, kailangan nating magkaroon ng kamalayan sa kung ano ang pinapayagan nating isipin at kung ano ang pinapayagan nating manatili roon. 



Tulad ng ipinapaliwanag ng Mga Taga-Roma 12: 2 (RTPV05) na hindi tayo maaaring magkaroon ng isang pasibong diskarte pagdating sa ating mga saloobin: “Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya.” 



Nangangahulugan iyon na kailangan nating tanggihan na tanggapin ang mga kasinungalingan at negatibong mensahe mula sa mundo at ituon ang pansin sa sinabi ng Diyos kung sino tayo kay Cristo. Kung may anumang mga saloobin na pumasok sa iyong isipan na Ipinaparamdam sa iyo na ikaw ay hindi karapat-dapat, hindi tinanggap, hindi mahal o hindi sapat, kailangan mong labanan ang mga ito ng katotohanan mula sa Biblia na ikaw ay tunay at kumpletong minamahal 



“Tingnan ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag niya tayong mga anak ng Diyos, at iyan nga ang totoo. Ito ang dahilan kung bakit hindi tayo nakikilala ng mga makasanlibutan: hindi nila kinikilala ang Diyos.” ~1 Juan 3:1a (RTPV05)



Mahal ka ng Diyos, at nais Niyang mahalin mo ang iyong sarili. 



Kung nasiyahan ka sa pagbabasa ng gabay na ito, magugustuhan mo ang librong Divine Time Management: The Joy of Trusting God's Loving Plans for You. 



Divine Time Management, ang libro, ay tinitingnan nang mas malalim kung paano ka makakakuha ng diskarteng nakasentro sa Diyos sa iyong pamamahala ng oras. Konting pagkabahala at mas maraming mga pagpapala! 



Alamin ang higit pa tungkol sa libro at tuklasin ang mga karagdagang mapagkukunan sa http://www.DivineTimeBook.com   


Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Divine Time Management

Ang nakagawiang pamamahala ng oras ay maaaring makapagdulot ng kapaguran kapag ang layunin ay ang "makontrol" ang buhay sa pamamagitan ng ating sariling lakas at pagdidisiplina sa sarili. Ngunit sinasabi sa atin ng Bibli...

More

Nais naming pasalamatan si Elizabeth Grace Saunders sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.divinetimebook.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya