Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Banal na Pamamahala sa OrasHalimbawa

Divine Time Management

ARAW 4 NG 6

Pagmamahal sa Diyos sa Pamamagitan ng Iyong Oras 



Ang Diyos ay isang mabait na ama at nagbibigay ng malinaw na mga gabay sa regalo na ang Biblia. Pero hindi Niya gustong basta na lang ibigat ang gabay na ito sa buhay, parusahan tayo kapag nagkamali at pagkatapos ay makita tayo kapag nasa langit na tayo. May malalim na pagnanasa ang Diyos na sumama sa ating
paglalakbay sa bawat hakbang na ating gawin.
Kaya isa sa mga pinakamabuting paraan na gamitin ang ating oras ay ang paggamit nito sa pagmamahal sa Diyos. 



Gaya ng isinulat sa Mateo 37-38 (RTPV05): "Sumagot si Jesus, '“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos.'"



Paano nga ba natin mamahalin ang Diyos sa pamamagitan ng ating oras? Maraming paraan. Pero ilan lang ang mga ito sa pinakaimportante: Pagsamba, Salita, at sa Panalangin. 



Kung tayo ay nagbibigay ng oras para sambahin Siyakasama ang iba, tulad ng pagpunta sa simbahan o kahit nag-iisa, pakikinig sa mga papuring musika habang naglalakad sa gubat, ipinapaalala natin sa ating mga sarili kung sino ang Diyos at kung sino tayo kaugnay sa Kanya. Naaalala natin ang Kanyang lakas at kabutihan at napapaalalahanan tayo ng Kanyang pagmamahal sa atin. Ang paglilinang ng respeto at pagmamahal ay nagbibigay ng pagpapala sa ating mga puso at sa puso ng Diyos. 



Tulad ng isinulat sa Mga Awit 27:4 (RTVP05): "Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling, iisa lamang talaga ang aking hangarin: ang tumira sa Templo niya habang buhay, upang kagandahan ni Yahweh'y aking mapagmasdan, at doo'y humingi sa kanya ng patnubay." 



Maaari rin nating ipakita ang ating pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras sa Kanyang Salita. Tuwing nagbabasa tayo ng Biblia, mas lumalalim ang ating pang-unawa kung sino ang Diyos at kung ano ang gusto Niya sa atin. Importanteng malaman natin kung ano ang gusto ng Diyos sa atin dahil bahagi ng pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng ating oras ay ang pagsunod sa Kanya. 



Tulad ng sinasabi sa 1 Juan 5:2-3 (RTVP05): "Ito ang palatandaang iniibig natin ang mga anak ng Diyos: kung iniibig natin ang Diyos at tinutupad ang kanyang mga utos, sapagkat ang tunay na umiibig sa Diyos ang tumutupad ng kanyang mga utos. Hindi naman mahirap sundin ang kanyang mga utos." 



At pangatlong paraan na maipapakita ang ating pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng ating oras ay ang pananalangin. Ang pananalangin ay isa sa aking mga paboritong gawain kaya ginagawa ko ito sa iba't-ibang paraan. Halimbawa, sa umaga ay isinusulat ko ang aking mga saloobin upang makipag-usap sa Diyos tungkol sa iniisip ko, anong inaaalala ko at kung ano ang susunod kong gagawin. Mayroon din akong listahan ng mga taong ipagdarasal ko araw-araw. At sa huli, buong araw ay nakikipag-usap ako sa Diyos tungkol sa lahat ng mga bagay mula pa sa mga mahihirap na sitwasyon sa trabaho hanggang sa mga pagpupuri ko sa Kanya para sa isang mabuting bagay na nangyari. 



Tuwing minamahal natin ang Diyos sa pamamagitan ng ating oras, tayo ay nakakaranas din ng mas malalim na pakiramdam ng Kanyang pagmamahal. 


Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Divine Time Management

Ang nakagawiang pamamahala ng oras ay maaaring makapagdulot ng kapaguran kapag ang layunin ay ang "makontrol" ang buhay sa pamamagitan ng ating sariling lakas at pagdidisiplina sa sarili. Ngunit sinasabi sa atin ng Bibli...

More

Nais naming pasalamatan si Elizabeth Grace Saunders sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.divinetimebook.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya