Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Banal na Pamamahala sa OrasHalimbawa

Divine Time Management

ARAW 2 NG 6

Ipagkatiwala ang Iyong Oras sa Diyos


Ang tiwala ay ipinakakahulugan bilang "matibay na paniniwala sa pagkamatapat, katotohanan o kakayahan ng isang tao o isang bagay." Ang salitang ito ay ginamit ng higit sa 150 na beses sa Biblia. Isa sa mga pinakatampok na tema sa Biblia ay ang pagtitiwala sa Panginoon. Kapag ang mga tao sa Biblia ay nagtitiwala sa Diyos, nararanasan nila ang pinakamabuti mula sa Kanya. Kapag sila ay nagtitiwala sa iba maliban sa Kanya, hindi nila nararanasan ito.



Sa Jeremias 17:7-8 (RTPV05) ay ipinapangako ang mga pagpapalang ito sa mga nagtitiwala sa Panginoon



"Mapalad ang mga taong nagtitiwala kay Yahweh, 



pagpapalain ang umaasa sa kanya.



Katulad niya'y isang punongkahoy na nakatanim sa tabi ng batisan;



ang mga ugat ay patungo sa tubig; 



hindi ito manganganib kahit dumating ang tag-init,



sapagkat mananatiling luntian ang mga dahon nito, 



kahit hindi umulan ay wala itong aalalahanin;



patuloy pa rin itong mamumunga."



Kaya't paano nga ba talaga ang pagtitiwala sa Diyos ng ating oras? Bilang mga Cristiano, madalas nating iniisip na humingi ng tulong sa Diyos pagdating sa malalaking desisyon tulad ng kung anong trabahong tatanggapin, saan lilipat, o kung mag-aasawa ka ba. Ngunit maaaari nating makalimutang hingin sa Diyos na akayin tayo sa pang-araw-araw na detalye ng ating buhay.



Narito ang ilang mga pamamaraan kung paano natin mailalagay sa sentro ng ating pagsasaayos ng ating oras ang pagtitiwala sa Diyos:




  • Ayusin ang iyong iskedyul: Suriin ang lahat ng mga gawain sa iyong buhay. Ipanalangin kung saan dapat kang gumugol ng higit o mas kakaunting oras. 

  • Pahalagahan ang iyong relasyon sa Diyos: Gumugol ng panahon araw-araw para sa pag-aaral ng Biblia at sa pananalangin bilang paraan ng pakikipag-ugnayan sa iyong Ama sa Langit at ibigay sa Kanya ang anumang nakabibigat sa iyo. 

  • Magkaroon ng kapahingahan sa Diyos: Magpahinga sa Araw ng Pamamahinga bawat linggo at sa ibang panahon ng pagpapahinga bilang tanda ng iyong pagtitiwala sa pagkalinga ng Diyos sa iyo. 

  • Bitawan mo na: Kung mahilig kang bumalikat ng responsibilidad nang sobra-sobra para sa ibang tao, hingin mo sa Diyos na matuto kang pagtiwalaan ang Kanyang pag-ibig sa Kanyang mga anak na kinakalinga mo. Kung mahilig ka sa paggawa, hilingin mo sa Diyos na tulungan kang maging mas maluwag at mas bukas sa pagkalinga sa pangangailangan ng iba.


Bilang mga Cristiano, ang paggamit natin sa ating oras at ang kapayapaan natin sa ating oras ay dapat na nagpapakita ng ating tiwala sa Diyos at hindi sa ating mga sarili pagdating sa pagsasaayos ng oras. 





Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Divine Time Management

Ang nakagawiang pamamahala ng oras ay maaaring makapagdulot ng kapaguran kapag ang layunin ay ang "makontrol" ang buhay sa pamamagitan ng ating sariling lakas at pagdidisiplina sa sarili. Ngunit sinasabi sa atin ng Bibli...

More

Nais naming pasalamatan si Elizabeth Grace Saunders sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.divinetimebook.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya