Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Banal na Pamamahala sa OrasHalimbawa

Divine Time Management

ARAW 5 NG 6

Pagmamahal sa Iba Sa Pamamagitan ng Iyong Oras 



Ang pagmamahal sa iba ay isa sa pinakamataas at pinakamahusay na gamit ng ating panahon. Ito rin ay isang mahalagang bahagi ng kung paano natin ipinapakita na tayo ay mga tagasunod ni Cristo. 



Sa Juan13:35 (RTPV05) ay ganito ang sinasabi: “Kung nagmamahalan kayo, malalaman ng lahat ng tao na mga tagasunod ko kayo.”



Sa kasamaang palad, bilang mga Cristiano, hindi natin laging ipinapakita ang ating kaugnayan kay Cristo sa ating kaugnayan sa iba. 



Ngunit ngayon ay bagong araw, at maaari kang mangako na mahalin ang iba sa pamamagitan ng iyong oras ngayon. Ang dalawang makapangyarihang paraan upang gawin ito ay sa pamamagitan ng pagiging tagapamayapa at sa pamamagitan ng pagtuturo ng daliri… sa iyong sarili. 



Sa Mga Taga-Roma 12:18 (RTPV05) ay sinasabi na: “Hangga't maaari, makisama kayo nang mapayapa sa lahat ng tao.” At sa Kawikaan 15:1 (RTPV05) ay sinasabi sa atin na: “Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit,
ngunit sa tugong marahas, poot ay hindi mawawaglit.”



Ang isang malaking bahagi sa atin na kumikilos bilang mga tagapamayapa ay sa kung paano natin ginagamit ang ating mga salita. Nagsasalita ba tayo sa isang nakakasakit na tono o ipinapahayag natin ang ating mga saloobin sa isang magalang na paraan? Ipinapalagay ba natin ang pinakamabuti sa mga tao o ipinapalagay natin ang pinakamasama? Maaari nating piliin kung paano tayo nag-iisip at kung paano tayo nakikipag-usap upang ang presensiya natin ay magbunga ng kapayapaan kahit na sa mga sitwasyong may bahid ng pagtatalo. 



Maaari din nating mahalin ang iba sa pamamagitan ng pagpili na ituro ang daliri sa ating sarili sa halip na ituro ang daliri sa iba kapag nauudyukan tayo ng mga salita o kilos ng isang tao. Ang iba ay maaaring gumawa ng hindi maganda o mali man. Ngunit ang ating malakas na negatibong reaksyon sa kanilang mga aksyon ay karaniwang may kinalaman sa ilang sakit o kasinungalingan sa atin kaysa sa kung anuman ang kinalaman nito sa kanila. 



Sa Mateo 7:3 (RTPV05) ay sinasabi: “Bakit mo pinapansin ang puwing sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang trosong nasa iyong mata?” 



Ang isang malaking paraan na maaari mong mahalin ang iba sa iyong oras ay sa pamamagitan ng pagiging malumanay, at pagtingin sa kalooban: Kilalanin ang eksaktong nangyari. Tanungin ang iyong sarili kung bakit ito nag-udyok sa iyo. Magsisi at magpatawad. Humingi sa Diyos ng kagalingan. At kung naaangkop, kausapin ang kabilang panig. 



Ang mga pagkilos na ito ay kailangan ng mahabang panahon at maraming pagpipigil sa sarili ngunit hahantong sa pagiging isang puwersa para sa pag-ibig at kapayapaan ni Cristo sa halip na isang puwersa ng pagkawasak kahit na sa gitna ng mahirap na kalagayan. 


Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Divine Time Management

Ang nakagawiang pamamahala ng oras ay maaaring makapagdulot ng kapaguran kapag ang layunin ay ang "makontrol" ang buhay sa pamamagitan ng ating sariling lakas at pagdidisiplina sa sarili. Ngunit sinasabi sa atin ng Bibli...

More

Nais naming pasalamatan si Elizabeth Grace Saunders sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.divinetimebook.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya