Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Banal na Pagsisikap: Yakapin ang Buhay ng Puspusang-Pagtatrabaho, Buhay ng Mahusay na PagpapahingaHalimbawa

Holy Hustle: Embrace A Work-Hard, Rest-Well Life

ARAW 10 NG 10

Mahirap sa akin ang pagpapahinga dahil ang natural na inklinasyon ko ay magsumikap at magpunyagi. Nabuhay na ako nang matagal kasama ang aking mga kapintasan upang maunawaan na, nakatago sa kaloob-looban ko, naniniwala akong kapag hindi ako gumagawa, may pagkukulang ako. Kung may pagkukulang ako, wala akong kwenta. Ngunit kung paanong naniniwala akong makapaglilingkod tayo sa Diyos sa ating mga ginagawa, naniniwala akong pinararangalan natin Siya kapag tayo ay nagpapahinga.


Kailangan nating magdahan-dahan, magbigay ng panahon sa Banal na Salita, at manahimik nang sapat para marinig ang tinig ng Diyos upang magkaroon tayo ng kakayahang gawin ang trabaho kung saan Niya tayo tinatawag. Kapag pinipilit kong magtrabaho ng 24/7 nang walang pahinga, hindi lamang nasasagad ako sa pagod, napapabayaan ang aking pamilya, at hindi naaalagaan ang aking kalusugan, kundi nakakagawa ako ng mga minadaling desisyong batay sa aking plano at mga pangarap sa halip na sa pakikinig sa tahimik na paggabay ng Diyos.


Isinulat ni Charles Swindoll, "Hindi hiningi sa atin ng Diyos na harapin natin ang mga panggigipit at pangangailangan ayon sa sarili nating kagustuhan o sa pamamagitan ng pagtitiwala sa sarili nating kalakasan. Hindi rin Niya hininging kunin natin ang Kanyang biyaya sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kahanga-hangang kalipunan ng mabubuting gawain. Sa halip, inaanyayahan Niya tayong pumasok sa Kanyang kapahingahan.”


Ang Diyos ay gumawa at tinawag Niya itong mabuti, at nagpahinga Siya at tinawag Niya itong banal.


Inaanyayahan Niya tayong samahan Siya sa kapahingahang iyon, sapagkat sa mga sandaling iyon ay maaari nating bitawan ang ating mga kabigatan, manatili sa Kanya, at gawin ang ang bagay na ayon sa pagkakalikha sa atin upang muling pasiglahin ang ating mga kaluluwa sa mga darating na araw.


Noong dati, ang tingin ko sa kapahingahan ay ang pag-upo sa salas at magmeryenda habang nanonood ng telebisyon. Iniisip kong marapat lang sa akin ang pahingang iyon, na ang pagpapahinga ay nangangahulugan ng "walang" ginagawa. Ngunit mas madalas akong nakakaramdam ng higit na kapaguran, na lumalaki ako dahil sa dami ng asukal na naubos ko, at walang kagana-ganang gumawa ng kahit ano.


Maaari ko bang sirain ang isang maling akala? Iba't-iba ang mukha ng kapahingahan para sa mga tao. May mga kaibigan akong sumisigla sa pamamagitan ng paglalakad nang malayo sa umaga kung saan maaari silang makapag-isa sa kanilang pag-iisip, pananalangin, habang nasa bangketa. At may iba rin akong mga kaibigang muling sumisigla kapag nagtitipon-tipon ang mga tao sa kanilang tahanan para sa masarap na pagkain at masayang usapan. At maaaring matagpuan mo ang sarili mong nakakapagpahinga kapag nagbabasa ka ng libro, gumagawa ng sining, nagpapatugtog ng musika, o naghahalaman.


Ganoon na lamang kaingat ang pagkalikha sa atin ng Diyos na hindi tayo dapat nagugulat na ang kapahingahan natin ay natatangi tulad din ng ating trabaho.



* * *


Kung nasiyahan ka sa debosyonal na ito na hinango mula sa Holy Hustle: Embracing a Work-Hard, Rest-Well Life ni Crystal Stine, at nais mong tuklasin pa ang patungkol sa pagtataguyod sa layunin ng Diyos para sa iyong buhay, bisitahin ang https://amzn.to/2I3ow1d.

Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Hustle: Embrace A Work-Hard, Rest-Well Life

Pagbabalanse. Ito ang hinahanap natin sa ating mga buhay habang naririnig natin ang sigaw ng "Mas pag-igihan mo pang magtrabaho" sa isang tenga, at bumubulong naman sa kabila ang "mas damihan mo ang pagpapahinga". Paano ...

More

Nais naming pasalamatan si Crystal Stine at ang Harvest House Publishers sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: https://www.harvesthousepublishers.com/books/holy-hustle-9780736972963

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya