Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Banal na Pagsisikap: Yakapin ang Buhay ng Puspusang-Pagtatrabaho, Buhay ng Mahusay na PagpapahingaHalimbawa

Holy Hustle: Embrace A Work-Hard, Rest-Well Life

ARAW 2 NG 10

Nanggaling ako sa mahabang linya ng mga babaeng nagtatrabaho, at sa paggawa ng trabahong gusto ko, dalangin ko na matututunan ng aking anak na babaeng habulin ang kanyang pangarap, magtrabahong mabuti, at sundin ang Diyos, saan man siya tawagin ng Diyos. Dalangin kong matutunan niya mula sa akin na ang banal na pagsusumikap ay nangangahulugan ng pagyakap sa trabahong ibinigay sa atin, ngunit ang ating halaga ay matatagpuan sa Nag-iisang lumikha sa atin upang gawin ito. Ang ating trabaho ay may halaga at ang ginagawa natin upang paglingkuran ang Diyos, ang ating mga kapitbahay, at ang ating mga pamilya ay mahalaga—ngunit hindi ito ang nagtatakda sa atin. 


Ang Banal na Kasulatan ay maraming sinasabi tungkol sa halaga ng trabaho:


Sumulat si Pablo sa mga Taga-Efeso na nagpapaalala sa kanila na may inihandang mabubuting gawa ang Diyos para sa Kanyang mga anak at tayo ay nilikha upang gawin ang mga ito. (Mga Taga-Efeso 2:10).


Sa isa pa sa mga sulat ni Pablo, hinikayat niya ang mga Taga-Corinto na magpakatatag, gumawa nang may kahusayan, dahil alam nilang hindi masasayang ang kanilang paghihirap (1 Mga Taga- Corinto 15:58).


Ang babae sa Mga Kawikaan 31 ay gumawa nang may pagkukusa; siya ay bumili at nagbenta ng lupang mula sa kanyang pinagkakitaan; lumikha; nagtanim; namahala (Mga Kawikaan 31:10-31).


Si Debora ay nagtrabaho bilang isang hukom at at maituturing na kumandante sa militar (Mga Hukom 4-5).


Pag-isipan ang iyong saloobin, mabuti at masama, tungkol sa iyong trabaho. Anong sinasabi ng sarili mo sa iyo tungkol sa mga gawaing ginagawa mo araw-araw? Nararamdaman mo bang may halaga ang iyong trabaho, o iniisip mo bang "maliit na bagay lamang" ito kumpara sa mga trabaho, responsibilidad, at mga tungkulin ng ibang tao? Nararamdaman mo bang sinasayang mo ang oras mo sa pagtitig sa computer samantalang kailangan ka ng pamilya mo, o nag-aalala ka bang nawawalan ka na ng oras sa pamilya mo? Sa pangkalahatan, ang pakiramdam mo ba sa iyong trabaho ay mabuti, masama, nakakakonsensya, o wala kang pakialam?


Ang trabahong ginagawa natin ay may halaga kapag ito ay ginagawa natin para sa ikaluluwalhati ng Diyos at nang may pusong nagagalak. Kapag tinatawag Niya tayo upang gumawa, saan man ito o anuman ang tingin mo rito, ito ay dahil bahagi ito ng plano Niya para sa atin, bahagi ng Kanyang pagkakalikha sa atin upang Siya ay paglingkuran at mahalin ang ating kapwa.


Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Hustle: Embrace A Work-Hard, Rest-Well Life

Pagbabalanse. Ito ang hinahanap natin sa ating mga buhay habang naririnig natin ang sigaw ng "Mas pag-igihan mo pang magtrabaho" sa isang tenga, at bumubulong naman sa kabila ang "mas damihan mo ang pagpapahinga". Paano ...

More

Nais naming pasalamatan si Crystal Stine at ang Harvest House Publishers sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: https://www.harvesthousepublishers.com/books/holy-hustle-9780736972963

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya