Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Banal na Pagsisikap: Yakapin ang Buhay ng Puspusang-Pagtatrabaho, Buhay ng Mahusay na PagpapahingaHalimbawa

Holy Hustle: Embrace A Work-Hard, Rest-Well Life

ARAW 8 NG 10

Kailangan ng isang barangay—hindi lamang para magpalaki ng isang bata, kundi pati na rin gawing banal at nakaluluwalhati sa Diyos ang isang karaniwang pagsusumikap.


Pagkukumpara. Pakikipagkumpitensya. Pamayanan. Kapag tinitingnan ko ang mayayabang na mensahe ng pagsusumikap na isinisigaw ng mundo sa atin, ang ibig sabihin ng pagkukumpara ay ang pagpapatunay sa ating mga tagapagpakinig kung bakit tayo ang dapat nilang piliin kaysa sa ating mga kalaban. Ang ibig sabihin naman ng kumpetisyon ay ang walang tigil na pagsisikap upang siguraduhing ang ating produkto, trabaho, o mga salita ay hindi lamang ang pinakamahusay, kundi ang pinakakakaiba at pinakauna bago ang sa iba. Isinisigaw nito na "Ako ang nauna!" At pamayanan? Ito ay isa lamang magandang salita para sa mga mamimili na naging pakay ng ating mga pag-aanunsiyo, pangangalakal, at mga pahayag sa email.


Pagkatapos kong magtrabaho ng higit sa sampung taon sa larangan ng pangangalakal, naintindihan ko na ito. Bumabalik ang utak ko sa mga kahulugang iyon tuwing nakakalimutan ko ang layunin sa likod ng aking trabaho. Imbes na maglingkod, ako ay nagsisimulang magbenta, at sa prosesong ito mas napahahalagahan ko ang pera kaysa sa tao. Pero may ibang paraan. Sa isang banal na ekonomiya, ang ibig sabihin ng pagkukumpara ay ang pagtingin sa ating sariling trabaho at paghingi sa Diyos na ipakita sa atin kung paano—o kung paanong hindi ito—umaayon sa Kanyang kalooban. Paanong maikukumpara ang ating mga buhay sa buhay ni Cristo na dapat nating i-modelo? Ang kumpetisyon ay hindi tungkol sa paninigurado na tayo ang panalo, kundi sa paghahanap ng paraan upang tulungan ang ibang umangat, ang higitan ang pagpapakita sa kanila ng karangalan. At ang pamayanan ay ang mahalagang sangkap na naghihiwalay sa banal na pagsusumikap mula sa paraan ng pagkilos ng buong mundo. Mas mukha itong pagtutulungan, pag-aalaga, at pag-uusap kaysa sa paghahanap ng mga mamimili.


Maaaring magulo ito, pero palaging sulit ang pagsisikap sa pamayanan. Hindi tayo nilikha ng Diyos upang mabuhay nang mag-isa, at ganito rin naman sa ating trabaho. Marami pa tayong mas magagawa para sa kaharian ng Diyos kung titigil tayo sa pakikipag-kumpitensya at magsisimulang magtulungan. 


Sa pagsunod sa maingay, kumakalatong na mga hinihingi at inaasahan ng mundo ay iiwanan tayo ng walang seguridad habang ikinukumpara ang ating katayuan sa plano ng Diyos sa mga tao sa ating paligid. Imbes, piliin nating magtiwala sa Diyos bilang ang Maestro na Manggagawa na siyang nakakaalam ng kailan, paano, at bakit, at kung alin ang mga piyesa na gagamitin upang gawing maganda at sigurado ang isang bagay na magtatagal habang buhay.


Mabihagni sa layunin ng Diyos sa iyong buhay at sumandal sa pagsisikap, pagpapahinga nang mabuti, at pamumuhay sa kung saang banal na pagsusumikap ka tinawag ng Diyos, at ito ay kung nasaan ka ngayon.


Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Hustle: Embrace A Work-Hard, Rest-Well Life

Pagbabalanse. Ito ang hinahanap natin sa ating mga buhay habang naririnig natin ang sigaw ng "Mas pag-igihan mo pang magtrabaho" sa isang tenga, at bumubulong naman sa kabila ang "mas damihan mo ang pagpapahinga". Paano ...

More

Nais naming pasalamatan si Crystal Stine at ang Harvest House Publishers sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: https://www.harvesthousepublishers.com/books/holy-hustle-9780736972963

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya