Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Banal na Pagsisikap: Yakapin ang Buhay ng Puspusang-Pagtatrabaho, Buhay ng Mahusay na PagpapahingaHalimbawa

Holy Hustle: Embrace A Work-Hard, Rest-Well Life

ARAW 4 NG 10

Ang pagtanggap sa bagong saloobin at pagtingin patungkol sa pagsusumikap ay maaaring matagal na proseso. Ngunit pagdating sa paglago at bagong bagay na nais gawin ng Diyos sa ating buhay, mayroon tayong dalawang pagpipilian: umatras o magpatuloy na lumago. Bago pa ako hikayatin ng Diyos na sumunod, mauuna akong umamin na minsan mas madaling piliin na umatras. Sa tuwing ang pagbabago ay tila nakakatakot, ito ay dahil nagtitiwala ako sa sarili kong lakas upang maisagawa ito. Upang magtagumpay ito, pinapalagay ko na nakasalalay ang lahat ng ito sa akin, at siguraduhing hindi ako mag mukhang talunan- muli. Sa tuwing pinipili kong umatras, ito ay dahil pinapaalalahanan ako na hindi ko maisasagawa ang bagay na ito sa paraang nais ko gamit ang sariling kong at pagsisikap.


Kaya naman humihinto akong umasa sa sarili at nagsisimulang magtiwala na nagdadala ng bagong bagay ang Diyos dahil may mga plano Siya na mabuti, plano na magbibigay sa Kanya ng kaluwalhatian at magpapalawak ng Kanyang kaharian.


Tatanggapin mo ba ang bagong daan na ibinibigay sa iyo ng Diyos, daan kung saan ang paghihirap ay pinapalitan ng banal na pagsunod? O aatras ka ba, pipiliin ang kaginhawaan na dulot ng mga bagay na nalalaman mo at hindi ang hindi maginhawang panahon na puno ng mga bagay na lingid sa iyo?


Ito ang tatlo sa mga bagay na maaari buong loob nating panghawakan sa paglakad natin sa hinaharap: Hindi pa tapos ang Diyos sa atin, Handa Siyang gumawa ng bago sa buhay natin, at sasamahan Niya tayo sa bawat hakbang natin.

Ang Banal na pagsusumikap ay ay nagbibigay sa atin ng kalayaang gawin ng buong lakas ang mga bagay na ibinigay ng Diyos sa ating kaluluwa. Ito ay gawain ng puso, gawaing malaki ang epekto sa kaharian ng Diyos. Binibigyan tayo ng kalayaan nito na makita na ang gawaing ibinigay ay tugma para sa kanila, at hindi para sa atin, hindi sa panahong ito. Ang banal na pagsusumikap ay tumutulong sa atin na marinig ang Diyos at hindi ang atungal ng naghahari-hariang mundo, kaya naman makakasagot tayo ng oo sa mga gawain na inihanda ng Diyos para sa atin at hindi sa mga bagay na uubusin ang ating lakas.


Ang pagitan ng pagsusumikap at pagpipilit, pagpapahinga at katamaran, ay isang mahirap na posisyon. Makikita natin ang ating sarili na umaasa sa sarili nating lakas kung pipiliin natin ang isa dito, sa halip na umasa sa paalala ng Diyos na Siya ang ating lakas. Ang pagsusumikap na tulad nito ay hindi ang paghahanap ng oras upang makagawa ng higit pa, ngunit ang pagtuklas ng bagay na ipinapagawa ng Diyos kung saan higit na makakapagsilbi tayo, higit na makakapagbigay, higit na makakapanghikayat-- sa tamang lugar at paraan.


Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Hustle: Embrace A Work-Hard, Rest-Well Life

Pagbabalanse. Ito ang hinahanap natin sa ating mga buhay habang naririnig natin ang sigaw ng "Mas pag-igihan mo pang magtrabaho" sa isang tenga, at bumubulong naman sa kabila ang "mas damihan mo ang pagpapahinga". Paano ...

More

Nais naming pasalamatan si Crystal Stine at ang Harvest House Publishers sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: https://www.harvesthousepublishers.com/books/holy-hustle-9780736972963

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya