Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pakikipag-date sa Makabagong PanahonHalimbawa

Dating In The Modern Age

ARAW 7 NG 7

 


Mga Prinsipyo sa Pakikipag-date (Bahagi 2)


Sa babasahin kahapon, natapos tayo sa prinsipyo ng awtonomiya sa pakikipag-date—sa pakikipag-date sa kaparehong mananampalataya kay Cristo. Kapag sinunod ninyo ang prinsipyong iyan, pareho kayong kumikilos batay sa magkatulad na “mga alituntunin” pagdating sa pagsunod sa Diyos. Dinadala tayo nito sa kasunod na prinsipyo: sekswal na kadalisayan.


Ang sekswal na kadalisayan ay isang prinsipyong nawala na sa mga modernong panahon. Ngunit mahalaga ito dahil ang sex ay higit pa sa pisikal na pakikipagtalik. Isang mas malalim, at emosyonal na pakikipag-isa ang nagaganap kapag ang dalawa ay nagtalik. Ang asawa mo ang dapat na pinakamatalik mong kaibigan, ngunit kung isasama mo ang sex sa isang relasyon nang wala pa sa panahon, masisira ang iyong kakayahang masiyasat kung ang taong ito ay mabuting kaibigan o hindi. Mas lalo kang tatagal sa isang relasyon na hindi mo dapat panatilihan, at mas magiging masakit ang paghihiwalay.


Dinadala tayo nito sa sunod na prinsipyo: ituring ang taong idine-date mo na anak ng Diyos. Kung sino ka ay may impluwensiya sa mga ginagawa mo. Kaya, kapag ikaw ay nakikipag-date, kailangan mong makita ang taong kaharap mo—at kailangan ka rin niyang makita—bilang isang ginawang anak ng Diyos. Paano mo tatratuhin ang isang anak ng Hari ng langit? Nang may paggalang, kagandahang-asal, respeto, at kabaitan. Ang nais mong kabuuang epekto ng presensya mo sa anumang pakikipagrelasyon ay ang mas mapabuti ang kabilang partido. Nais mo siyang mahikayat na magtiwala at magmahal sa Diyos nang higit pa dahil sa presensya mo sa kanyang buhay.


Ang layunin mo ay marapat na mapagpala, at hindi lang mapabilib siya. Kaya't kumain kayo sa labas, kilalanin siya, gawin ang mga bagay na ikinatutuwa ninyo. Hindi mo layunin ang kumbinsihin siya, kundi bagkus ang siyasatin kung kayong dalawa ay nababagay. Makinig nang mabuti, magtanong ng magagandang tanong, at ibahagi nang tapat ang mga naiisip mo. Punahin ang maganda. Magpalakas ng loob. At sabihin ang naiisip mo nang may sinseridad at kabaitan. Huwag kang ma-istress dahil gusto mo siyang mapabilib. Ang pakikipag-date ay para sa pagsisiyasat at pagpapala. Iyon na yon.


Dinadala tayo nito sa sunod na prinsipyo: payagan ang mga taong pinagkakatiwalaan sa iyong usaping pakikipag-date. Ang mga damdaming romantiko ay nakakalasing at nakakaligaw ng pagpapasiya, kaya't ang mga tamang tinig sa proseso ay makakaiwas sa iyong gumugol ng higit sa sapat na oras kasama ng maling tao. Pumili ng mga kaibigang nagmamahal sa Diyos, nagmamahal sa iyo, at hindi natatakot na sabihin sa iyo mismo ang iniisip nila. Hingin sa kanilang magkomento sa proseso nang maaga at madalas. Paligiran ang sarili mo ng maka-Diyos na payo.


Ang panghuling prinsipyo sa pakikipag-date ay ang pagiging matiyaga. Hayaan ang relasyon na umusad sa sarili niyang tulin. Huwag magmadaling isuot ang singsing, at sa halip ay maghintay at masdan ang pagkatao ng kabilang partido. May mga sa simula pa lang ay malinaw nang hindi nababagay sa iyo. Ang iba ay mukhang mabuti sa simula, ngunit sa pagdaan ng mga araw ay may magiging agam-agam ka patungkol sa kanilang pagkatao. Magbigay ng sapat na panahon na makita mo ang ginagawa nila kapag nangyayari ang hindi nila ninanais. Bigyan ang sarili mo ng puwang na makita sila sa iba't-ibang panahon.


Mahahanap mo ba ang taong lubos na nababagay sa iyo? Hindi ko alam. Ngunit alam kong binigay sa iyo ng Diyos ang karunungan at sarili Niya na sandalan habang naglalakbay ka sa buhay. Nananalangin akong ang iyong mga mithiin sa panahong ito ng pakikipag-date ay nakatuon sa Hari, hindi sa isang prinsipe o prinsesa. Nananalangin akong maglalakad kang kasama Niya, nagtitiwalang pagmamalasakitan ka Niya sa iyong mga pangangailangan at, kung kalooban Niya, aakayin ka tungo sa tamang tao sa Kanyang tamang panahon.


Tumugon


Bakit mahalaga ang sekswal na kadalisayan sa proseso ng pakikipag-date? Paano kayo matutulungan ng pagpipigil bago ikasal na makapagtatag ng isang matibay na relasyon kapag kayo ay kasal na?


Ano ang ipinapabatid ng pagtrato mo sa ka-date mo patungkol sa iyong pagkatao? Bakit mahalagang tratuhin ang kabilang partido na isang minamahal na anak ng Diyos?


Sino ang makakapagsalita ng katotohanan sa buhay mo habang nakikipag-date ka? Gaano ka kabukas sa mga sasabihin niya?


Kailan ka nahirapang maging matiyaga sa iyong mga pakikipagrelasyon? Anong mga bagay ang matututunan mo lang patungkol sa isang tao sa mahaba-habang panahon?


Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Dating In The Modern Age

Pakikipag-date... kabalisahan o katuwaan ba ang hatid nito sa puso mo? Sa lahat ng koneksiyong teknolohiya, parang naging mas komplikado, mas nakakalito at mas nakakasira ng loob ang pakikipag-date kaysa kailanman noon. ...

More

Nais naming pasalamatan si Ben Stuart sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa: https://www.thatrelationshipbook.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya