Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pitong Bagay na Sinasabi ng Biblia Patungkol sa PagkabalisaHalimbawa

7 Things The Bible Says About Anxiety

ARAW 4 NG 7


Sa aklat ng Mga Taga-Roma, sinabi ni Pablo na sa oras na ipinahayag ng iyong labi na si Jesus ang iyong Panginoon at Tagapagligtas, ikaw ay inampon na ng Diyos sa Kanyang pamilya, at Siya ang nagiging iyong Ama. Ang Diyos ay hindi lamang isang ordinaryong ama. Ang iyong ama rito sa mundo ay tao lamang at makasalanan, na nangangahulugan na ikaw ay nabigo niya na rin noon…at maaaring mabigo ka niya ulit sa hinaharap.


Ang Diyos ay perpekto at mabuti. Hindi ka Niya kailanman bibiguin. Inilalarawan sa Zefanias 3:17 ang hindi kapani-paniwalang pag-ibig sa iyo ng iyong Ama sa langit: Siya ay nasa piling mo, Siya ay nalulugod sa iyo, at Siya ay nagagalak sa iyo! Sinabi ni Zefanias na ang Diyos ang iyong tagapagtanggol at ang iyong tagapag-aliw. "Ang pag-ibig Niya ang magbibigay sa iyo ng bagong buhay."


Sinasabi sa Mga Awit 139 na ang Diyos ay sumasaiyo simula pa nang ikaw ay magsimulang lumaki sa sinapupunan ng iyong ina, at palagi ka Niyang sasamahan saan ka man pumaroon. Ikaw ang obra maestra ng Kanyang nilikha, at Siya ang iyong pinakadakilang tagasuporta habang iyong tinutuklas at isinasabuhay ang lahat na ginawa Niya para sa iyo.


Ilarawan mo ito sa iyong isipan: may isang bata na natutulog sa kanyang kama habang may bagyong lumalakas sa kasidhian nito sa gabi. Isang biglaang dagundong ng kidlat at kulog ang gumulat sa bata mula sa pagtulog nito, at pagkatapos ay sumigaw siya para humingi ng tulong, at ang mapagmahal na ama nito ay nagmamadaling pinuntahan ang kanyang anak, at niyakap niya ito. Katulad ng magulang na iyon, ang Diyos ay palaging naririyan para sa iyo. Sa Kanyang pagmamahal sa iyo, pakakalmahin ka Niya sa lahat ng iyong mga kinatatakutan.


Kylyn Hersack
Inhinyero ng YouVersion Android


Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

7 Things The Bible Says About Anxiety

Ang bawat araw ay maaaring maghatid ng mga kumplikadong bagong hamon sa ating buhay. Ngunit maaari rin na ang bawat bagong araw ay may regalong kapana-panabik na mga bagong oportunidad. Sa pitong araw na debosyonal na it...

More

Ang Gabay na ito ay isinulat at ibinahagi ng pangkat sa YouVersion. Bisitahin ang youversion.com para sa karagdagang impormasyon.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya