Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pitong Bagay na Sinasabi ng Biblia Patungkol sa PagkabalisaHalimbawa

7 Things The Bible Says About Anxiety

ARAW 2 NG 7


Minsan ay may mga bagay na nangyayari na hindi mo kayang kontrolin o hulaan. Ang pagkabalisa ay nangyayari kapag pinag-aaksayahan mo ito ng pag-iisip. Kung ikaw man ay nababalisa sa isang deadline o lagi nang lubhang nababahala ng walang dahilan, hindi ka nag-iisa. Hindi mo man maabot ng isip, ang Diyos ay may umaapaw na pag-asa para sa mga taong—sa gitna ng kaguluhan—ay huminto ng sapat na sandali para marinig ang Kanyang tinig.


Ang Mga Taga-Roma 15:13 ay isang panalangin mula kay Apostol Pablo para sa ilang mga Cristiano sa Roma, ngunit kung makikinig ka, maaari mong marinig ang boses ng Diyos na kinakausap ka. Maingat na pinipili ni Pablo ang kanyang mga salita sa pagbanggit ng “ang Diyos na siyang bukal ng pag-asa.” Nakuha mo ba iyon? Ang pag-asa ay nasa kalikasan ng Diyos. Ngunit hindi hiniling ni Pablo sa Diyos na tanggalin ang kanilang pagkabalisa. Kaya bang tanggalin ito ng Diyos? Oo naman, ngunit alam niya na ang mga taga-Roma ay muling babalik sa dating sitwasyon kung hindi nila babaguhin ang kanilang pag-iisip. Sa halip, hiniling niya sa Diyos na pagkalooban sila “ng buong kagalakan at kapayapaan” dahil kapag ikaw ay tunay na puno ng kagalakan at kapayapaan, walang lugar sa kabalisahan.


Hindi pa rin ito lubos na simple. Maaari sanang ikinabit na ng Diyos ang mga taga-Roma sa Kanyang walang katapusang bukal ng kagalakan at kapayapaan, punuin ang kanilang mga espirituwal na sisidlan, at maging ganap na walang lugar na kukublihan ang pagkabalisa. Ngunit alam ng Diyos na kung hindi nila babaguhin ang kanilang mga gawi sa pag-iisip, ang kagalakan at kapayapaan sa kalaunan ay magbibigay-daan sa pagkabalisa. Kaya, hiningi Niya ang isang bagay bago niya pinakawalan ang kagalakan at kapayapaan ng Langit. Ang susunod na bahagi ng pangungusap na iyan ay nagsasabing “sa pamamagitan ng inyong pananampalataya sa Kanya.”


Nakikita mo na ba ito ngayon? Tiwala ang susi sa pintuang nagtataglay ng umaapaw na kapayapaan at kagalakang wawasak sa kabalisahan. Sumasampalataya ka ba sa Diyos? Hindi mababaw, at hanggang bibig na pananampalataya lamang —ngunit ang uri ng pananampalatayang nagbibigay-daan sa iyo upang bitawan ang anumang bagay na kinakapitan mo nang mahigpit.


Ang tiwala ba ay isang makapangyarihang bala? Hindi. Walang makapangyarihang bala na dagling aalisin ang lahat ng bakas ng malalim na ugat ng pagkabalisa. Ngunit ang Diyos ay mapagkakatiwalaan pa rin. At ang pagtitiwala sa Kanya ay humahantong pa rin sa kagalingan ng iyong isip at espiritu. Maaari Siyang maging Batong tinatayuan at kinakapitan mo habang patuloy mong nilalabanan ang mahigpit na kapit ng pagkabalisa sa iyong katawan.


Ang Diyos ay karapat-dapat sa ating pinakamalalim na pagtitiwala. Kapag nagtitiwala ka sa Kanya, pinupuno ka Niya ng labis na kagalakan at kapayapaan kung kaya literal na umaapaw ka sa pag-asa. Maaaring wala kang ideya kung ano ang pakiramdam nito, at maaaring talagang mahirap magtiwala sa Diyos. Ngunit ang diwa ng pananampalataya ay ang lakas ng loob na mag-bakasakali kahit na hindi mo lubusang batid kung ano ang susunod na mangyayari.


May lakas ng loob ka ba na bitawan ang mga bagay na kinakapitan mo nang mahigpit at pagtiwalaan ang Diyos ngayon?


Michael Martin
YouVersion Web Developer

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

7 Things The Bible Says About Anxiety

Ang bawat araw ay maaaring maghatid ng mga kumplikadong bagong hamon sa ating buhay. Ngunit maaari rin na ang bawat bagong araw ay may regalong kapana-panabik na mga bagong oportunidad. Sa pitong araw na debosyonal na it...

More

Ang Gabay na ito ay isinulat at ibinahagi ng pangkat sa YouVersion. Bisitahin ang youversion.com para sa karagdagang impormasyon.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya