Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pitong Bagay na Sinasabi ng Biblia Patungkol sa PagkabalisaHalimbawa

7 Things The Bible Says About Anxiety

ARAW 3 NG 7


Ang pagkabalisa ay maaaring makapagbigay ng damdamin ng kawalang katiyakan. Isang minuto ang lahat ay maayos. Sa susunod ikaw ay natatangay sa agos ng nakapanglulumong damdamin at kaguluhan sa pag-iisip. Humihinga ka nang malalim. Ipinipikit ang iyong mga mata. Ginagawa mo ang mga pampahinahong tugon ng katawan na sa iyo ay itinurong gawin sa panahong ikaw ay dinadaanan ng pagkabalisa. Ngunit hindi sa pisikal lamang tayo naaapektuhan ng pagkabalisa. Naapektuhan nito ang lahat-lahat sa atin.

Kaya't kailangan nating samahan ng mga espirituwal na katotohanan ang ating pisikal na pagtugon. Kailangang makatagpo ng kapahingahan ang ating mga isipan. Ang Biblia ay tumutulong upang tayo ay itama at bigyan ng kapanatagan ang ating mga puso.

Una, kailangang gawin nating sandata ang Banal na Kasulatan sa mga panahong nasa tamang pag-iisip tayo upang kapag dumating ang pag-atake ay handa tayo. Isaulo ang mga bersikulo sa Banal na Kasulatan na maaari mong gamitin bilang sandata kapag dumarating ang pagkabalisa. Ang mga bersikulong iyon ang magpapaalala sa atin ng katotohanan tungkol sa Diyos at ibabaling nito ang ating mga mata palayo sa mga bagay na nagdadala sa atin sa mga madidilim na lugar.

Sinasabi sa atin ng Isaias 12:2 na maaari tayong magtiwala na ililigtas tayo ng Diyos, at hindi natin kailangang matakot. Gaano ba kamakapangyarihan ito? Hindi natin kailangang matakot. Maaari tayong magtiwala sa Diyos. Ililigtas Niya tayo. Siya ang ating Panginoon. Siya ay higit sa lahat, at kaya Niya tayong sagipin, kahit pa pakiramdam natin ay napakalayo na natin. Nariyan Siya.

Kapag pinupuno natin ang ating mga isipan ng mga ganitong pagpapahayag, binibigyan natin ng pahintulot ang Diyos na kunin ang mga kabigatan sa ating mga puso at bigyan tayo ng kapahingahan. Ang mga kapahayagang ito rin ang nagbibigay sa atin ng kapangyarihang labanan at ipanalo ang mga kinakaharap nating pakikibaka.

Ulitin ang mga kapahayagang ito hanggang maramdaman mong nawawala na ang bugso ng pagkabalisa sapagkat ang pag-uulit ng katotohanan ang magpapalaya sa atin mula sa mga kasinungalingan ng kabalisahan.

Ninanasa ng Diyos ang ganitong uri ng pagtitiwala natin sa Kanya. Hindi na natin kailangang dumating ang isang napakatinding pakikipagbuno sa isipan upang magnilay sa Kanyang Salita. Naniniwala akong kapag ang aking isipan ay nakatuon sa katotohanan ng Banal na Kasulatan, ang mga pag-atakeng dati-rati ay nakakapanaig sa akin ay humihina ang kapangyarihan (tingnan ang Mga Taga-Roma 8:6).

Lumapit sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Hayaan mong masakop nito ang iyong isipan at maayos nito ang kabalisahan ng iyong kaluluwa. Piliin mong ibigay sa Kanya ang iyong takot. Magtiwala kang ililigtas ka Niya.

Jessica Penick
You Version Content Manager


Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

7 Things The Bible Says About Anxiety

Ang bawat araw ay maaaring maghatid ng mga kumplikadong bagong hamon sa ating buhay. Ngunit maaari rin na ang bawat bagong araw ay may regalong kapana-panabik na mga bagong oportunidad. Sa pitong araw na debosyonal na it...

More

Ang Gabay na ito ay isinulat at ibinahagi ng pangkat sa YouVersion. Bisitahin ang youversion.com para sa karagdagang impormasyon.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya