Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Nagningas: Isang Simpleng Gabay para sa Matapang na PanalanginHalimbawa

Ignited: A Simple Guide for Bold Prayer

ARAW 6 NG 6

Mahalaga Ito sa Diyos

Maaari tayong manalangin ng kahit ano. Katulad ng sinabi ni Christine Caine, "Kung mahalaga ito sa yo, mahalaga ito sa Diyos." Kung ito ay isang bagay na pinapahalagahan natin o inaalala natin, ito ay isang bagay na maaari nating ipanalangin.


Hinihikayat tayo ni Pablo sa Mga Taga-Filipos 4:6–7,


"Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus” (RTPV05).

Ano ang maaari nating ipanalangin? Maliwanag ang sagot ni Pablo: lahat! Walang napakaliit pagdating sa Diyos. At bagaman ang mga salitang iyon “Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay,” ay maaaring tila hindi pakikiramay sa anumang paghihirap na ating kinakaharap, mahalagang tandaan na isinulat ni Pablo ang mga salitang ito habang nasa bilangguan.


Hindi niya sinasabi sa atin na gawing mantra ang “Don’t worry, be happy". Ang hindi pansinin o paliitin ang katotohanan ng ating mga kalagayan ay pagiging iresponsable. Ngunit may daan para sa atin upang maranasan ang kapayapaan ng Diyos at kapangyarihan sa gitna ng ating pag-aalala at kapaguran, at iyan ang dahilan kung bakit hinihikayat tayo ni Pablo na “hingin sa Diyos” Oo, ang Diyos ay aktibong kasama sa pangangalaga ng ating buong sandaigdigan at ang mahahalagang isyu ng mundo, ngunit ang ating Ama sa Langit ay hindi lamang kasama at nagmamalasakit sa detalye ng buhay ng kanyang mga anak: sa ating trabaho, relasyon, pakiramdam, takot, at ang araw-araw na mga gawain.


Nakikita ka ng Diyos, kilala ka ng Diyos, at tunay na nagmamalasakit tungkol sa iyo.


Kung ang isang bagay ay mahalaga sa iyo, mahalaga ito sa Diyos. Kaya, ipanalangin ito!


Panalangin:

Ama, salamat dahil nagmamalasakit ka sa pagpapakain ng mga ibon at pagbibihis sa mga lirio, at iyan ay bahagi lamang kung gaano ka nagmamalasakit sa mga detalye ng aking buhay at ng mga bagay sa aking puso. Ngayon, babanggitin ko sa harapan Mo ang mga bagay na kumukuha ng aking pansin: mangyaring ipakita ang Iyong karunungan, presensya at kapangyarihan sa mga aspetong ito. At hinihiling ko na kung paano Kang nagmamalasakit sa mga bagay na mahalaga sa akin, huhubugin Mo ang aking pansin at pagmamahal patungo sa mga bagay na mahalaga sa Iyo. Nawa ang Iyong Kaharian ay dumating sa lupa, katulad ng sa Langit. Amen.


Ang babasahing gabay na ito ay may copyright © 2023 ng Propel Women, isang bahagi ng Equip & Empower Ministries. Maliban na lang kung naisulat, ang mga talatang mula sa Biblia ay kinuha sa Christian Standard Bible®, Copyright © 2017 ng Holman Bible Publishers. Ginamit ng may pahintulot. Ang Christian Standard Bible® at CSB® ay rehistradong pederal na tatak ng Holman Bible Publishers.


Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Ignited: A Simple Guide for Bold Prayer

Ang panalangin ay isang regalo, isang kamangha-manghang pagkakataon na magkaroon ng kaugnayan sa ating Ama sa Langit. Sa anim na araw na ito, malalaman natin kung ano ang itinuturo ni Jesus sa atin tungkol sa panalangin ...

More

Nais naming pasalamatan si Christine Caine - A21, Propel, CCM sa pagbahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.propelwomen.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya