Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Nagningas: Isang Simpleng Gabay para sa Matapang na PanalanginHalimbawa

Ignited: A Simple Guide for Bold Prayer

ARAW 4 NG 6

Pakikinig Mula Sa Diyos

Walang katulad ang pakikinig sa tinig ng Diyos. Ang isang paraan para marinig Siya ay sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Sinasabi sa ating ng Mga Taga-Roma 10:17, ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo (TLAB). Ngunit kung nais nating lumakad sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi sa pamamagitan ng paningin, kung nais nating pakinggan ang Salita ng Diyos at makita ang katuparan ng mga pangako ng Diyos, kung gayon kailangan nating patuloy na manalangin at magtiwala na ang Diyos ay may higit pang maibabahagi. Narito ang ilang mga susi upang tulungan ka:


1. Maging Masigasig, Kahit na Naghihintay Ka

Itinala sa 1 Samuel 3 ang kuwento ni Samuel na natututo sa pakikinig sa tinig ng Diyos. Ano ang kahulugan nito para sa atin? Katulad ni Samuel, maaaring hindi natin makilala ang tinig ng Diyos sa una. Maaaring mangailangan ng panahon, pagtitiyaga, at ng payo ng iba upang tulungan tayo na maunawaan kung ano ang ating naririnig. Makinig sa Kanya nang may pananabik.


2. Magkaroon ng Lugar para Dito

Sa buong Ebanghelyo, nakikita natin na iniwan ni Jesus ang mga alagad at mga tao upang humanap ng isang tahimik na lugar upang manalangin. Ginawa Niya ito dahil, kahit Siya ay Anak ng Diyos, Siya ay ganap na tao rin. Humarap Siya sa parehong mga pakikibaka at paggambala katulad natin, kaya ipinakita Niya sa atin ang halimbawa ng kahalagahan ng pag-iisa upang manalangin. Gayundin, kung saanman puwede, hangga't maaari, maglaan ng sandali sa iyong araw upang patahimikin ang iyong isip at manalangin.


3. Magtiyaga Dito

Kung nagsimula kang manalangin nang palagian bawat araw at nahihirapan ka pa rin na mahanap ang tinig ng Diyos, huwag sumuko. Magpatuloy. Patuloy na maniwala. Patuloy na manalangin. Patuloy na mag-aral ng Salita ng Diyos upang kung Siya ay magsasalita, alam mo na Siya iyon! Sa Jeremias 33:3, ipinapangako ng Diyos, “Kung mananalangin ka sa akin, tutugunin kita, at ipahahayag ko sa iyo ang mga bagay na dakila at mahiwaga na hindi mo pa nalalaman” (RTPV05). Iyan ang pangako na karapat-dapat na tandaan at pagtitiyagaan na matupad!


Panalangin:

Ama, pinupuri Kita dahil Ikaw ay mabuti at karapat-dapat na purihin. Mula sa isang henerasyon patungo sa isa pa at sa bawat panahon, hindi Ka nagbabago. Ikaw ay matapat sa Iyong mga pangako. Ikaw ay matatag sa Iyong pag-ibig. Ikaw ay mapagkakatiwalaan sa Iyong Salita. Magsalita Ka, Panginoon, nakikinig ang Iyong lingkod. Amen!


Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Ignited: A Simple Guide for Bold Prayer

Ang panalangin ay isang regalo, isang kamangha-manghang pagkakataon na magkaroon ng kaugnayan sa ating Ama sa Langit. Sa anim na araw na ito, malalaman natin kung ano ang itinuturo ni Jesus sa atin tungkol sa panalangin ...

More

Nais naming pasalamatan si Christine Caine - A21, Propel, CCM sa pagbahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.propelwomen.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya