Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Nagningas: Isang Simpleng Gabay para sa Matapang na PanalanginHalimbawa

Ignited: A Simple Guide for Bold Prayer

ARAW 5 NG 6

Anim na Paraan Upang Manalangin

Kung ikaw ay maghahanap sa internet tungkol sa kung "paano manalangin," makakahanap ka ng daan-daan, kung hindi libu-libong mga opinyon, gawi, at prinsipyo tungkol sa panalangin. Walang isang tamang paraan upang manalangin, ngunit narito ang ilan sa mga makakatulong na alituntunin:


Manalangin sa Nakatakdang Mga Oras atnang Biglaan

Mahalaga na magkaroon ng mga takdang oras kasama ang Diyos pati na rin ang mga biglaang sandali. Hihihikayat tayo ng Kasulatan na manalangin nang walang patid (1 Mga Taga-Tesalonica 5:17). Kung saan puwede, hangga't maaari, manalangin!


Manalangin nang Mag-isa at Kasama ang Iba

Kapag nahihirapan tayo na marinig ang tinig ng Diyos, makakatulong na magkaroon ng mga kaibigan na makakasama natin na manalangin. Sa Biblia, nakikita natin ang Diyos na nakikipagkita sa mga tao sa panalangin nang indibidwal (Mateo 6:6), habang sila ay nananalangin sa isa't isa (Mateo 18:20), at nang sama-sama bilang isang iglesia (Mga Gawa 2:42).


Manalangin nang Tahimik at Malakas

Bigkasin nang malakas ang iyong mga panalangin, kahit na nananalangin nang mag-isa. Ito ay parang isang aktwal na pakikipag-usap, at mayroon kang mas maraming punto na mag-uugnay sa iyong mga salita habang iniisip mo ang mga ito, sinasalita, at pinapakinggan.


Manalangin sa Iyong Isip atKatawan

Sa Biblia, makikita natin ang mga halimbawa ng taong nanalangin na nakadapa, nakaluhod, nakaupo, nakatayo, o nakataas ang mga kamay. Ang pag-iiba ng postura ay makakatulong sa atin na palaging naririyan at nakakonekta sa Diyos sa panalangin.


Manalangin sa Iyong Mga Salitaat Maging Mula sa mga Salita ng Iba

Ang panalangin kung minsan ay ang pag-apaw ng ating sariling iniisip at pagnanais habang ipinapahayag natin ang mga ito sa Ama; ngunit sa buong kasaysayan ng iglesia, ang mga mananampalataya ay nanalangin din ng mga panalangin na isinulat ng iba (minsan ay tinatawag na liturhiya). Ang pananalangin ng Mga Awit o ang Ama Namin ay mga halimbawa sa Biblia.


Manalangin Habang Humihinga Ka

Tinatawag nang marami na “mga hiningang panalangin”, ito ay gawi na dinisenyo upang makatulong na tumuon sa mga parirala ng katotohanan mula sa Kasulatan: isa sa papasok na paghinga, pagkatapos ay sa palabas, hinahayaan nito ang Banal na Espiritu na punan ang mga patlang katulad ng Kanyang ipinangako na gagawin (Mga Taga-Roma 8:26).


Panalangin

  • Naniniwala ako (huminga nang papasok). Tulungan Mo ang kakulangan ko ng pananampalataya (huminga nang palabas).
  • Kasama Mo Ako ngayon (huminga nang papasok). Salamat (huminga nang palabas).
  • Pakiramdam ko ay di ako nakikita (huminga nang papasok). Salamat at nakikita Mo ako (huminga nang palabas).
  • Ginawa Mo ang aking katawan (huminga nang papasok). Paparangalan ko at pag-iingatan ito (huminga nang palabas).
  • Mahirap ito (huminga nang papasok). Hihintayin ko na makita ang Iyong kamay dito, Panginoon(huminga nang palabas).
Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Ignited: A Simple Guide for Bold Prayer

Ang panalangin ay isang regalo, isang kamangha-manghang pagkakataon na magkaroon ng kaugnayan sa ating Ama sa Langit. Sa anim na araw na ito, malalaman natin kung ano ang itinuturo ni Jesus sa atin tungkol sa panalangin ...

More

Nais naming pasalamatan si Christine Caine - A21, Propel, CCM sa pagbahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.propelwomen.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya