Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Nabagong Pamumuhay: Sa Pag-aasawaHalimbawa

Living Changed: In Marriage

ARAW 5 NG 5

Pagmamahal Nang Mabuti


Bawat mag-asawa ay natatangi, ngunit kapag sinusuri natin ang matitibay na pagsasama, makikita natin ang pagkakatulad nila. Kadalasan, ang mag-asawa ay matitiyaga, mababait, at maalalahanin. Tinutulungan nila ang isa't isang lumago. Aktibo silang nakikinig at nagsasalita nang walang itinatago. Mabilis silang magpatawad. Pinipili nilang makita ang mabuti sa isa't isa at kumilos bilang isang koponan. Sa maikling salita, mahal na mahal nila ang isa't isa.


Kung hindi mo mamamarkahan ng tsek ang lahat ng mga kahong ito, huwag mawalan ng pag-asa. Gayundin, kung maaari mong i-tsek ang lahat ng mga kahon na ito, huwag magmadali. Ang mga susi sa isang matatag na pag-aasawa ay hindi maaaring ilagay sa isang simpleng listahan. Ang pagsunod sa isang listahan ng mga dapat at hindi dapat gawin ay magpapakita lamang sa iyo ng isang matibay na pagsasama, hindi ang tunay na pakikitungo.


Ang totoo ay kung susubukan mong mahalin ang iyong asawa sa sarili mong lakas, palagi kang magkukulang. Gayundin naman, kung palagi kang naghahanap sa iyong asawa upang punan ang kawalan sa iyo, palagi ka niyang bibiguin. Ang inyong pagmamahal sa isa't isa ay dapat na nagmumula sa pag-uumapaw ng inyong mga indibidwal na relasyon sa Diyos.


Kapag namumuhay tayo ayon sa Banal na Espiritu, magsisimula tayong makilala ng mga tao sa pamamagitan ng tinatawag ni Apostol Pablo na “Bunga ng Espiritu,” isa na rito ang pag-ibig. Sa simpleng salita, habang lumalapit ka kay Jesus, mas magiging katulad ka Niya, at pagkatapos ay dahil si Jesus ang sagisag ng pag-ibig, natural kang magiging mas mahusay sa pagmamahal tulad ni Jesus.


Halimbawa, kapag tumingin ka kay Jesus para sa hinahanap mong pagtanggap sa halip na sa iyong asawa, mas kakaunti ang mga hinahangad mong hindi natutugunan sa iyong buhay may-asawa. Kapag pinahintulutan mo ang Diyos na pagalingin ang iyong mga sugat at hinihiling mo sa Kanya na tulungan kang patawarin ang pang-araw-araw na pagkakasala, maaari kang mamuhay nang payapa kasama ang iyong asawa. Kapag nakilala mong mayroon kang isang kaaway na gustong mabigo ang iyong relasyon, maaari mong ihinto ang pakikipaglaban sa iyong asawa at simulan ang pakikipaglaban para sa inyong pagsasama.


Walang buhay mag-asawa ang perpekto dahil bawat isa rito ay binubuo ng dalawang di-perpektong tao. Isang araw-araw na pagpili ang manatiling konektado kay Jesus, na siyang pinagmumulan ng pag-ibig, at sundin ang Kanyang halimbawa kung paano mo minamahal ang iyong asawa. Malalaman mong nasa tamang landas ka kapag nagsimula kang magpakita ng uri ng pagmamahal na inilalarawan ni Pablo sa kanyang unang liham sa mga taga-Corinto. Sa iba pang mga bagay, ipinaliliwanag niya ang pag-ibig na nagpaparangal sa Diyos bilang pagiging matiyaga, mabait, mapagpakumbaba, mapagpatawad, mapagtanggol, nagtitiwala, umaasa, at matiyaga.


Ang pakikipaglaban para sa inyong pagsasama ay pinakamainam kapag ang mag-asawa ay magkakapit-bisig at lumalaban bilang isa. Gayunpaman, ang mahirap na katotohanan ay na kahit na gawin mo ang lahat ng iyong makakaya upang mahalin nang mabuti ang iyong asawa, walang garantiya na tutugon siya nang may pagmamahal. Piliin mo pa rin siyang mahalin nang mabuti at hayaang ang karanasan ang maglapit sa iyo sa Diyos. Kahit na hindi mo makuha ang mga resulta na gusto mo para sa iyong buhay may-asawa,ang panahong iyong ginugugol kasama ang Diyos ay hindi kailanman nasasayang.


Ang ibig sabihin ng pagmamahal sa iyong asawa ay ang paggawa ng iyong makakaya upang mamuhay bilang karugtong ni Cristo sa iyong pang-araw-araw na buhay, nang walang inaasahang kapalit. Habang matatag mong inilalagay ang iyong pagkakakilanlan kay Cristo at nagiging pinakamahusay na bersyon ng iyong sarili, sana, makita ng iyong asawa ang pagbabago sa iyo at mabigyang-inspirasyon na mas mapalapit kay Jesus mismo. Hindi mo maaaring pilitin ang iyong asawa na magbago, ngunit ang iyong halimbawa ay maaaring ang kinakailangang katalista na pupukaw sa pagbabago ng inyong pagsasama.


Dinadalangin namin na ginamit ng Diyos ang planong ito para maglingkod sa iyong puso.
Tuklasin ang Iba Pang Gabay sa Biblia Patungkol sa Nabagong Pamumuhay
Mas Matuto pa tungkol sa Changed Women's Ministries


Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Living Changed: In Marriage

Walang perpektong pagsasama dahil ang pag-aasawa ay pagsasama ng dalawang di-perpektong tao. Ngunit sa tulong ng Diyos, maaaring magkaroon ng magandang buhay may-asawa–hindi sa pamamagitan ng paghiling sa Kanya na ayusin...

More

Nais naming pasalamatan ang Changed Women's Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: http://www.changedokc.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya