Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagwawagi sa Digmaan sa Iyong IsipanHalimbawa

Winning the War in Your Mind

ARAW 7 NG 7

Dahil katulad mo, araw-araw nararamdaman kong parang pasan ko ang higit sa aking makakayanan, umaasa ako sa Diyos na panibaguhin ang aking isipan. Ang Kanyang katotohanan ang aking gamit sa pakikidigma. Patuloy akong gumagawa ng bagong mga trinsera ng katotohanan upang palitan ang mga lumang dinaraanan para bigyan ako ng mga ito ng mga landas sa pag-iisip na patungo sa buhay at kapayapaan.



Saan mo kailangan si Jesus ngayon, sa sandaling ito?



Saan nagkukulang ang iyong kaisipan patungkol sa Kanyang katotohanang nakakapaghatid-buhay? Hindi ka ba makatakas sa isang negatibong, mapanakit, at nakakalasong dinadaraanan? Ano ang iyong gagawin?



Gagamitin mo ang apat na kasangkapan na ibinigay ng Diyos sa atin upang ayusin ang ating kaisipan at mapagtagumpayan ang giyera sa ating mga isip: (1) ang Prinsipyo ng Replacement, (2) ang Prinsipyo ng Rewire, (3) ang Prinsipyo ng Reframe Principle, at (4) ang Prinsipyo ng Rejoice.



1. Aalisin mo ang kasinungalingan at papalitan ito ng katotohanan. Alam natin na may kaaway tayo na naglalayong sirain tayo. Ang kanyang sandata ay ang kasinungalingan. Ang ating kahinaan ay ang paniwalaan ang mga kasinungalingan, at kapag pinaniniwalaan natin ang mga kasinungalingan, maaapektuhan nito ang ating mga buhay na parang ito ay katotohanan. Ang problema ay hindi natin napapagtanto na ang mga kasinungalingang ating pinaniniwalaan ay mga kasinungalingan. Sana, ang mga kasinungalingan na kailangan mong gapiin ay malinaw na sa iyo. 



2. Gagawa ka ng mga bagong trinsera ng katotohanan. Ang ating mga utak ay may mga neural pathway—mga nasa isip na dinaraanan na ating nagawa sa pamamagitan ng paulit-ulit na pag-iisip ng mga pare-parehong pag-iisip—na nagiging sanhi ng awtomatikong tugon sa isang panlabas na pag-uudyok. Upang matigil ang isang kagawian, kailangan nating alisin ang kasinungalingang nasa likod nito at palitan ang neural pathway. Maghuhukay tayo ng tsinsera ng katotohanan. Paano? Panibaguhin ang iyong pag-iisip gamit ang Salita ng Diyos. 



3. Magsasaayos ka. Hindi natin makokontrol kung ano mangyayari sa atin, ngunit makokontrol natin kung paano natin ito tatanawin. Mayroon tayong mga pagkiling pang-kognitibo na nagdudulot sa atin na makita ang mga bagay sa mga paraang di nag-uugma sa realidad. Ngunit mayroon tayong kapangyarihan na makagawa ng cognitive reframing, na nagbabago sa ating pananaw sa nakaraan at sa hinaharap.



4. Babaguhin mo ang iyong pananaw sa pamamagitan ng panalangin at pagpupuri. Madaling malula sa lahat ng nangyayari, ngunit kapag tayo'y napuno na, ang Diyosay sapat. Hindi lamang sapat ang Diyos, malapit ang Diyos. Manatili tayong may kamalayan sa Kanyang presensya. Kapag ginawa natin, aakayin tayo nito sa panalangin. Binabago ng pananalangin ang ating utak, gayundin ang pagpupuri sa Diyos. Purihin natin Siya sa kung sino Siya, kahit na ang ano ay hindi kung ano na gusto natin. Habang pinupuri natin ang Diyos, Siya ay darating at magbibigay sa atin ng kapayapaan ng pag-iisip.



Magpasiya ngayon na hindi ka mag-iisip na katulad sa mundo. Hahayaan mong panibaguhin ng Diyos ang iyong isipan. 



Sa halip na maging nakatutok sa iyong nakikita, ituon natin ang pag-iisip kay Jesus. Nilikha ka Niya. Aalalayan ka Niya. Kaya ka Niyang pasanin, palakasin, at bigyang-kapangyarihan upang gawin kung ano ang ipinagagawa Niya sa iyo.



Ikaw ay higit pa sa isang nagtagumpay kay Cristo. Ang Diyos ay higit pa sa sapat. At walang makapaghihiwalay sa iyo sa pag-ibig ng Diyos. Hayaan ang Diyos na baguhin ang iyong pag-iisip. Babaguhin Niya ang iyong buhay.



Alamin ang higit pa tungkol sa bagong aklat ni Pastor Craig Groeschel, Winning the War in Your Mind.


Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Winning the War in Your Mind

Karamihan sa mga labanan ng buhay ay naipapanalo o naipapatalo sa isipan. Kaya papaano natin mapapagwagian ang karamihan ng mga labanang iyon? Sa 7 na araw na Gabay sa Biblia na ito mula sa aklat ni Craig Groeschel na Pa...

More

Malugod naming pinasasalamatan si Pastor Craig Groeschel at ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagan pang kaalaman, maaring bisitahin ang: www.craiggroeschel.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya