Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagwawagi sa Digmaan sa Iyong IsipanHalimbawa

Winning the War in Your Mind

ARAW 6 NG 7

Tayo'y magbalik-tanaw kay Pablo. Siya'y nasa bilangguan. Hindi dahil sa krimen na kanyang ginawa kundi dahil sa paghahayag ng tungkol kay Jesus. Maaari siyang bitayin. Isinulat niya sa kanyang mga kaibigan sa Filipos, “Magalak kayong lagi sa Panginoon.” (Mga Taga-Filipos Philippians 4:4 RTPV05). Pagkatapos, para siyang naging iyong nanay kasi inulit niya ang kanyang sarili, kung sakaling hindi ka nakikinig. “Inuulit ko, magalak kayo!” 



Ito'y isang magandang bersikulo para sa isang tasa ng kape na may marikit na sulat-kamay na estilong titik: “Magalak kayong lagi sa Panginoon!” Ito'y tamang-tama para sa isang magnet na nakadikit sa refrigerator. Ilagay sa isang greeting card? Siyempre! Magmumukha kang espirituwal kung sasabihin mo sa iyong mga kaibigan, “Magalak kayong lagi sa Panginoon!”



Buong pagsisiwalat: Kinaiinisan ko kapag binabanggit ang bersikulong iyan ng mga tao sa akin.



Kung nasa gitna ako ng isang mahirap na sitwasyon, o may flat na gulong ako at mga 39 degree sa labas, o nalaman kong kailangang bunutin ang aking ngipin, o may sakit ang aking anak. “Craig, kailangan mo lang magalak lagi sa Panginoon!”



Isang dahilan kung bakit naiinis ako ay dahil kailangan kong isipin ang taong nagsabi noon. Nagagalak ka ba lagi sa Panginoon? Talaga? Maaari mong isipin si Pablo. Sinabihan niya ang mga tao na magalak sa Panginoon noong nasa kulungan siya! 



Ngunit nagalak ba siya sa Panginoon noong nasa kulungan siya? Nagawa niya.



Kasama ni Pablo ang kaibigan niyang si Silas.



Nakini-kinita mo ba sila? Ipinatapon sa bilangguan, bumagsak sa malamig at matigas na sahig na may nakabukang mga sugat, malamang basag na ilong, ilang baling tadyang. Walang doktor, nars, Band-Aids, o ibuprofen. 



Nakaranas ka na ba ng ganoon? Marahil sumadsad ka nang malaman mo na may cancer ang isang mahal sa buhay o nalulong sa droga ang iyong anak o niloloko ka ng iyong asawa. Sa mga kalunos-lunos na pangyayaring iyon, ano ang iyong gagawin?



Ano ang ginawa nina Pablo at Silas? Nagpuri sila sa Diyos.



Ano ang ginagawa ni Pablo sa kulungan? Laging nagagalak.



Una, nagpupuri sila sa Diyos para sa sino, at hindi para sa ano. Sila ay duguan at nakagapos sa kulungan. Kung tinanong mo sila, “Ano ang ipinagpupuri ninyo sa Diyos?" Sa tingin ko walang anumang “ano” na kanilang maituturo. Walang magandang nangyayari, ngunit ang kanilang Diyos ay nananatiling mabuti. Hindi nila pinupuri ang Diyos dahil sa kung ano. Pinupuri nila Siya dahil sa kung sino. Magagawa mo rin ito. 



Maaaring ang iyong mga sitwasyon ay masama, ngunit ang iyong Diyos ay nananatiling mabuti. Malapit Siya, tunay ang Kanyang mga pangako, nananatiling walang kundisyon ang Kanyang pag-ibig, kamangha-mangha ang Kanyang biyaya, tamang-tama ang Kanyang tiyempo. Marahil hindi mo nagugustuhan ang mga nangyayari, ngunit maaari mo pa ring purihin ang Diyos sa kung sino Siya.



Ikalawa, pinuri nila ang Diyos una pa sa kaloob. Madalas, ipinagpapaliban natin ang pagpupuri sa Diyos hanggang sa ibigay Niya ang ating ninanais. Pag-isipan mo ito. Hindi ba't mistulang mapagmataas na munting sipuning bata? Hindi ako magiging mapagpasalamat hanggang sa di ko nakukuha ang gusto ko. Mas higit pa tayo roon at, mas importante, mas nararapat ang Diyos sa higit pa. Nagpuri si Pablo at Silas sa Diyos bago pa man Niya sinagot ang kanilang mga panalangin o baguhin ang kanilang kalalagayan. Iyan ang gusto kong maging ako.



Ikatlo, nagpuri sila sa Diyos at Siya ay dumating. Si Pablo at Silas ay nagpupuri sa Diyos sa hatinggabi at—boom!—nagpakita ang Diyos.



Walang anu-ano'y lumindol nang malakas at nayanig pati ang mga pundasyon ng bilangguan. Biglang nabuksan ang mga pinto at nakalag ang mga tanikala ng lahat ng bilanggo! Mga Gawa 16:26 RTPV05

Hindi nila pinuri ang Diyos dahil nagpakita Siya; nagpakita ang Diyos dahil nagpuri sila. 



Kapag nagpupuri tayo sa Kanya, magpapakita Siya. Kapag nagpakita Siya, magbabago ang ating pag-iisip. Kung magbabago ang ating pag-iisip, magbabago ang ating buhay. 


Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Winning the War in Your Mind

Karamihan sa mga labanan ng buhay ay naipapanalo o naipapatalo sa isipan. Kaya papaano natin mapapagwagian ang karamihan ng mga labanang iyon? Sa 7 na araw na Gabay sa Biblia na ito mula sa aklat ni Craig Groeschel na Pa...

More

Malugod naming pinasasalamatan si Pastor Craig Groeschel at ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagan pang kaalaman, maaring bisitahin ang: www.craiggroeschel.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya