Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagwawagi sa Digmaan sa Iyong IsipanHalimbawa

Winning the War in Your Mind

ARAW 3 NG 7

Kamakailan lamang, gumawa ako ng mataimtim na panata na hihinto na akong mahumaling sa mga text at email. Nagdesisyon ako na tuwing makakarinig ako ng bing na nagsasabing nakatanggap ako ng isang mensahe, hindi ako magkakaroon ng pagmamadali na suriin ito kaagad. At kapag sinuri ko nga ito, hindi ko paulit-ulit na babasa-basahin ang sinabi ng nagpadala. Hindi ko rin susulat-sulatin ang aking kasagutan. Ang aking digital na kapasyahan ay nagtagal … bueno, sa totoo lang, sa tingin ko hindi talaga ako kailanman tumigil na mahumaling sa mga text at email. Hindi lang na hindi nagtagal ang aking kapasiyahan; ni hindi ako nagsimula!



Ang problema sa kung paano natin inaatake ang ating mga problema ay dahil lumulusob tayo sa problema. Nakatuon lamang tayo sa pag-uugali sa pamamagitan ng pangangako na magsisimula o hihinto na gawin ang isang bagay.



Ginawa mo rin ito, hindi ba? Nagdesisyon ka, at marahil nagdeklara, na ikaw ay magbabago.




  • Ngayong taon ako ay kakain ng tama at mag-eehersisyo araw-araw!

  • Titigil na akong makipagligawan sa sinumang salbahe sa akin. Sa katunayan, hindi na ako makikipagligawan!

  • Sawa na akong sayangin ang oras ko sa social media at ikumpara ang buhay ko sa iba. Aalis na talaga ako sa pagkakataong ito!

  • Tama na. Ito na ang huli. Hindi na ako kailanman titingin sa pornograpiya!

  • Hindi na ako magpapalabis o magsisinungaling o magtsitsismis para makakuha ng atensiyon o para gumaan ang loob ko sa sarili ko. Hindi na! 

  • Magbabasa ako ng Biblia bawat umaga sa buong taon na ito!


Anuman ang iyong panata, anong nangyari doon?



Huhula ako na hindi mabuti. Bakit? Ang pagpapanibago ng pag-uugali ay hindi gumagana, dahil nakatuon lamang ito sa pagbabago ng ugali. Hindi ka nakakarating sa ugat ng problema, na ito ay ang pag-iisip na nagdudulot ng pag-uugali. Para mas maging partikular, ang problema ay nasa neural pathway na humahantong sa pag-uugali. 



Sabihin nating ayaw mo sa isang pangit na punongkahoy sa iyong bakuran. Gusto mo nang alisin ang punong iyon. Sa wakas, nagdesisyon ka na oras na para lutasin ang problema. Kung kaya't pumunta ka sa iyong bakuran na may maliit na lagari. Pumili ka ng isang pangit na sanga at pinutol ito mula sa puno. Ngumiti ka at lumakad pabalik sa iyong bahay, na matagumpay na inaawit ang medley ng “All I Do Is Win” at “Another One Bites the Dust.” Sa susunod na araw, nabigla ka nang makita na ang punongkahoy ay matayog pa rin. Habang ikaw ay nakatanaw sa bintana, nakikita mo itong tila nakabungisngis sa iyo.



Alam ko, ang paghahambing ay kakatwa. Hindi mo kailanman susubukang patayin ang isang punong-kahoy sa pamamagitan ng pagtanggal ng isang sanga. Sapangkat ang sanga ay malinaw na hindi ang problema. Ang puno ang problema. Sa totoo lang, ang sistema ng ugat ng puno ang pangunahing dahilan. Kung hindi mo aalisin ang sistema ng ugat kapag pinutol mo ang puno, maaari pa itong tumubo ulit.



Bueno, kung magdedesisyon tayong, Hihinto na akong sigawan ang mga anak ko o Titigil na akong ibukod and aking sarili at mamuhay nang may kalungkutan o Araw-araw na akong mag-eehersisyo, tayo'y pumuputol lamang ng isang sanga. Isinasantabi natin ang tunay na problema ng kasinungalingang pinaniniwalaan natin at ng gulo ng isipan na kinalalaglagan natin. Pag-atake lamang sa mga sintomas, hindi sa pinag-ugatan.



Sa pag-iisip na kaya kong panibaguhin ang pag-uugali sa pamamagitan ng pag-aalis ng pag-uugali ay kakatwa. Hindi ang pag-uugali ang puno't dulo. Ang neural pathway na nagdulot sa akin sa pag-uugali ang problema. Kung ititigil ko ang pag-uugali, ito ay babalik, maliban na lamang kung aking




  1. aalisin ang kasinungalingan sa ugat ng pag-uugali, at

  2. papalitan ang neural pathway na nagdudulot sa akin sa pag-uugali.


Saan ako makakakuha ng mga bagong pag-iisip? Pahiwatig: hindi natin ito makukuha sa pag-scroll sa mga post sa social media, sa pakikinig sa ating paboritong playlist, o sa pagtawag sa ating kaibigan para sa kanyang opinyon. 



Upang matigil ang kasinungalingan at mapalitan ito ng katotohanan, kailangan nating tunghayan ang Salita ng Diyos.



At iyon ang ginawa ni Jesus. Noong tinukso Siya ni Satanas, hindi mailalabas ni Jesus ang Kanyang iPhone upang magbukas ng Bible app ng YouVersion at maghanap ng mga bersikulo na maaaring makatulong. Naisapuso na Niya ang mga katotohanan sa Salita ng Diyos na gumawa ng kapaki-pakinabang na neural pathway. Kapag tinutukso, sinusundan ni Jesus ang landas na iyon, na nag-aakay sa Kanya sa pagsunod at kalayaan.



At iyon ang kailangan nating gawin. 


Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Winning the War in Your Mind

Karamihan sa mga labanan ng buhay ay naipapanalo o naipapatalo sa isipan. Kaya papaano natin mapapagwagian ang karamihan ng mga labanang iyon? Sa 7 na araw na Gabay sa Biblia na ito mula sa aklat ni Craig Groeschel na Pa...

More

Malugod naming pinasasalamatan si Pastor Craig Groeschel at ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagan pang kaalaman, maaring bisitahin ang: www.craiggroeschel.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya