Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Inang Hindi NatitinagHalimbawa

Unshakable Moms

ARAW 5 NG 6

"Walang Hanggang Pag-ibig" 





Buong araw kahapon, tinanong ako ng mapagmahal kong asawa, "Ayos ka lang ba? Parang may bumabagabag sa iyo." Mapagmahal na lalaki. Kilala niya ako. Wala akong sinasabi sa kanyang kahit ano, ngunit hindi ito mahalaga. Kilala niya ang mukha ko, ang mga ipinahihiwatig nito, ang mga buntong-hininga ko, pati ang bawat galaw ng aking katawan. Maaaring hindi niya nababasa ang aking isipan, ngunit madali niyang mahulaan kung anong iniisip ko sa anumang sitwasyong dumarating. Ang pinakamahalaga, may pagpapahalaga siya at hindi maaaring hindi niya ako papansinin.



Nang ang mga anak namin ay natutulog na, naupo kami para sa aming gabi-gabing pamamahinga (panonood ng aming paboritong programa sa TV habang magkayakap). Hindi niya ito maisantabi. Nakita niyang may gumugulo sa akin at gusto niyang makawala ako. Itinanong niya ang mga tamang katanungan upang matulungan akong maibsan sa mabigat na dalahin ng aking puso. Lahat ng hinahawakan ko nang mahigpit sa aking isipan ay nagsilabasang lahat, at ang kanyang tugon ay tamang-tama. "Halika", habang sinesenyasan niya akong lumapit at hinila niya akong palapit sa kanya. Hinawakan niya ako; ang ulo ko sa kanyang dibdib, ang mga braso niya na nakayakap sa akin. Pagkatapos ng ilang minuto ay sinabi niya, "mahalaga ka". (hudyat, hagulgol.)



Minsan, ang buhay ay parang katulad ng mga pinakaiingatang obra maestra ng ating mga anak na nakasabit (o dating nakasabit) sa refrigerator; napakaraming makukulay na pagguhit. Maganda ito, ngunit mahirap maunawaan kung ano ba talaga ito dapat. Ito ay magulo, at mahusay at medyo napakaraming nangyayari kaya't mahirap maunawaan. Maging ang pinakamaganda at pinakamabungang panahon ay maaaring sorpresahin ka sa panahong hindi mo inaasahan. Mahirap malaman kung paano mong pamamahalaan ang lahat ng mga bungang iyon! Sa panahon ng paghihintay, sa panahon ng tagtuyot, sa madidilim na panahon—kapag nakalimutan mo kung sino ka at kanino ka—nais sabihin ni Jesus sa iyo, "Mahalaga ka".



Nakagiginhawa at nagbibigay ng pag-asang malaman na anumang panahon, isang bagay ang mananatiling Totoo. Isang bagay ang hindi magbabago. Si Jesus ang Mapagkakatiwalaang Bato na masasandalan mo.



Sinasabi sa atin sa Mga Kawikaan 3:5 na, "Kay Yahweh ka magtiwala, BUONG puso at LUBUSAN, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan."



Maaasahan mo Siya at ang Kanyang karunungan na magbibigay liwanag sa iyong daraanan. Anuman ang iyong sitwasyon, maganda man o masakit, Siya ang iyong layunin. Ipakikita Niya sa iyo kung sino ka. Kapag ang nakikita mo ay pawang mga guhit-guhit sa isang pahina, ang nakikita Niya ay ang natapos nang obra maestra. Huwag kang manangan sa sarili mong pang-unawa. Pagtiwalaan mo ang Kanyang walang hanggang karunungan. Manangan ka sa Kanyang Walang Hanggang Pag-ibig.

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Unshakable Moms

Paano kung kaya mong gumawa ng isang napakatibay na bahay, na kahit mga bagyo ng kagipitan ay hindi ito mapapagalaw? Paano kung ang iyong pundasyon ay napakatatag na kahit na yumayanig na ang sahig na kinatatayuan mo, na...

More

Nais naming pasalamatan ang Thrive Moms sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: thrivemoms.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya