Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Inang Hindi NatitinagHalimbawa

Unshakable Moms

ARAW 3 NG 6

"Ang Plano"



Kabibili pa lang namin ng isang lumang cabin na itinayo pa noong 1930 sa kakahuyan. Maraming kailangang ayusin dito at nangangailangan ito ng matinding TLC. Mabuti na lamang at ang asawa ko ay napakagaling pagdating sa ganito. Kaya niyang ayusin ang halos anumang bagay, at kaya niyang gumawa ng kahit anong bagay, at matugunan ang anumang suliraning kinaharap namin sa aming antigong tirahan. May pagtitiwala kaming gawin ang pagsasaayos na ito dahil batid naming ang bahay na ito ay maayos at tama ang pagkakagawa. Hindi lamang matibay ang pundasyon nito, kundi may malalakas din itong buto. Gawa ito sa matitibay at malalakas na materyales at nanatili ito sa loob ng 8 dekada. Sa katunayan, ang ilan sa mga kahoy na ginamit upang gawin ang balangkas nito ay napakatigas, kaya't nahirapan kaming ipako rito ang pinakamatibay na pako. Sa madaling salita, ito ay napakatibay.



Ang isang matatag na pundasyon ay isang panimula lamang. Ang taga-buo, disenyo, kaparaanan, at mga materyales na ginamit sa pagtatayo ng bahay ang tutukoy kung ito ay may kakayahang tumayo sa pagsubok ng panahon. Sandali kang huminto at tanungin mo ang sarili mo: sino ang nagtatayo ng tahanan mo? Hindi lamang si Jesus ang maaasahang pundasyon, kundi Siya ay isa ring dalubhasang tagapagtayo at batong panulukan na siyang nagpapanatiling buo ang isang bahay. Siya ang arkitekto at nilikha Niya ang plano para sa isang walang hanggang tahanan. Nagtatayo Siya ng isang kahariang magtatagal magpakailanman, at nais Niyang gumawa sa iyo at sa pamamagitan mo.



Sa 1 Mga Taga-Corinto 3: 11-13, nagbigay ng babala si Pablo sa iglesia, "... sapagkat wala nang ibang pundasyong maaaring ilagay maliban sa nailagay na, walang iba kundi si Jesu-Cristo. May nagtatayo na gumagamit ng ginto, pilak, o mahahalagang bato; mayroon namang gumagamit ng kahoy, damo, o dayami. Makikilala ang uri ng gawa ng bawat isa sa Araw ng Paghuhukom sapagkat mahahayag sa pamamagitan ng apoy kung anong uri ang ginawa ng bawat isa." Sinasabi ni Pablo na ang lahat maliban kay Jesus ay malululon sa mga bagyo ng buhay. Maski ang pinakamagandang palamuti ay hindi kayang maitago ang mumurahing pagkakayari. Kalaunan, panahon lamang ang makapagsasabi.



Hindi ba't lahat tayo ay nagnanais na maging mga inang palagay ang loob? Walang takot sa hinaharap, at hindi nag-aalala kung paano pumunta roon. Walang pangamba sa panustos ng buhay. Walang mga mahahabang gabing balisa sa kakaisip kung lahat ng iyong mga pinaghirapan ay mauuwi sa wala sa bigat ng mga isipin sa mundo. Mayroong kalayaan para sa iyo ngayon. Kung nais mong maging hindi natitinag, nagagalak, inang tagabuo ng kaharian, kailangan mo lamang sundin si Jesus. Siya ang dalubhasa, at dala na NIya ang pasanin sa Kanyang mga balikat. Huminga nang malalim sa Kanyang biyaya ngayon at lumakad nang may pagtitiwala sa pananalig na Siya ay may itinatayong isang kamangha-manghang bagay sa iyo.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Unshakable Moms

Paano kung kaya mong gumawa ng isang napakatibay na bahay, na kahit mga bagyo ng kagipitan ay hindi ito mapapagalaw? Paano kung ang iyong pundasyon ay napakatatag na kahit na yumayanig na ang sahig na kinatatayuan mo, na...

More

Nais naming pasalamatan ang Thrive Moms sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: thrivemoms.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya