Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Kapangyarihan ng PangitainHalimbawa

The Power Of Vision

ARAW 5 NG 5

Ang mga pasanin ay nagdudulot ng pagnanasang matupad ang isang pangitain.



Nang marinig ni Nehemias ang pangangailangan sa Jerusalem kung saan ang mga mamamayan ng Diyos ay inaapi at ang mga pader ng syudad ay winasak, siya ay nanalangin at nag-ayuno. Sa pagdaan ng panahon, naramdaman niyang nakasalalay sa kanya ang mga pangangailangan sa Jerusalem at nadagdagan ang kanyang pasanin.



Kapag ang Diyos ay nagluluwal ng pangitain sa iyong buhay, nakikita mo ang pangangailangan, at may pagkakataon, tinatawid mo ang linya mula sa pagmamasid patungo sa masidhing pagnanasang gumawa ng paraan para sa pangangailangan na iyon. Mabigat ang pasaning ito, at hindi mo ito matatakasan. Tatangis ka sa nakita mo, pagkatapos ay kikilos ka.  



Iniluluwal ng Diyos sa iyong kalooban ang pangitain. Panahon na para maging malakas at matapang, at humakbang para tuparin ang pangitain na ibinigay ng Diyos sa iyo.



Ano man ang susunod na hakbang, maging matapang, magpatuloy. Sa Cristiano, ang tapang mo ay nakaugat at nakatatag sa relasyon mo sa Diyos.



Ano ang pumipigil sa iyo para gawin ang susunod na hakbang sa iyong buhay kasama ang Diyos? Ano ang pagsubok na kailangan mong pagtagumpayan?



Maglakas-loob na humingi sa Diyos ng lakas at tapang ngayon.






P.S.: Gusto mo bang tuklasin nang mas malalim ang pangitain ng Diyos para sa buhay mo? Magpalista para sa online course, The Power of Vision ngayon, libre ito! 


Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

The Power Of Vision

Ang pangitain ay ang isang pinakamahalagang kadahilanan na nagbubukod sa mga mabuting pinuno mula sa mga dakila. Tuklasin ang proseso na ginagamit ng Diyos upang magsimula ng pangitain sa buhay ng mga Cristiano.

Nais naming pasalamatan ang International Leadership Institute sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://ILITeam.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya