Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Kapangyarihan ng PangitainHalimbawa

The Power Of Vision

ARAW 3 NG 5

Ang pangitain ay karaniwang nanggaling sa karanasan ng tao at base sa pangangailangan ng tao.



Maaaring piliin ng Diyos na ipakita ang Kanyang pangitain para sa iyong buhay sa pamamagitan ng hindi pangkaraniwang karanasan tulad ng panaginip sa gabi o isang banal na pagbisita ng isang anghel; pero, sa karamihang tao, ang proseso ay nagsisimula kapag sila ay nakakakita ng pangangailangan.



Malalim ang pagmamalasakit ni Nehemias sa mga mamamayan ng Israel at sa siyudad ng Jerusalem, kaya nang sinabi ng kanyang kapatid, "Ang pader ng Jerusalem ay winasak, at ang mga pintuan nito ay sinunog”, naupo siya at napaiyak.



Kahit na hindi pa nakarating si Nehemias sa Jerusalem, nakita niya ang pangangailangan.



Nilikha ka ng Diyos para sa isang layunin at kapag nakita mo ang pangitain ng Diyos, hindi mo lamang ito hinahawakan, hinahawakan ka ng pangitaing ito.



Ano ang kalagayan ng tao na pumupukaw sa iyong puso at umaantig sa iyong espiritu? 



Ang pagsagot sa tanong na ito ang unang hakbang sa proseso ng pagtuklas sa pangitain ng Diyos para sa iyong buhay.


Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

The Power Of Vision

Ang pangitain ay ang isang pinakamahalagang kadahilanan na nagbubukod sa mga mabuting pinuno mula sa mga dakila. Tuklasin ang proseso na ginagamit ng Diyos upang magsimula ng pangitain sa buhay ng mga Cristiano.

Nais naming pasalamatan ang International Leadership Institute sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://ILITeam.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya