Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pakikinig sa DiyosHalimbawa

Listening To God

ARAW 5 NG 7

Ang mga Sintomas ng Mga Taingang May Harang



Kilalang-kilala nina Adan at Eba ang Diyos! Ang mga sumunod na salinlahi ng kanilang pamilya ay kilala rin ang Diyos o kaya naman ay may mabuting kaalaman tungkol sa Kanya. Unti-unti, karamihan sa bayan ng Diyos ay huminto na sa pagpapasalamat at pagkilala sa Diyos bilang kanilang pinagmulan. Ang kasalanan ay dumami.



Karamihan sa mga kasalanan ay sintomas lamang ng kasalanang malalim ang pinag-uugatan: ang kasalanan ng paglalagay ng harang sa ating mga tainga upang hindi marinig ang katotohanan ng Diyos at sa halip ay makinig sa kasinungalingan. Kapag humihinto tayo sa pagkilala sa Diyos bilang siyang Tagabigay ng lahat ng mabubuting bagay, humihinto tayo sa pagtingin nang malinaw. Humihinto tayo sa matalinong pag-iisip. Tumatanggi tayong makinig sa katotohanan. Malinaw na ipinahahayag sa unang kabanata ng Aklat ng mga Taga-Roma ang katotohanang ito.



At narito ang isang kapahayagang gigising sa atin:ang pagtangging makinig sa katotohanan ay ang pagtanggi na rin sa Diyos.Walang alinlangang bilang mga Cristiano, ating niyayakap ang Banal na Salita ng Diyos bilang katotohanan. Ngunit kailangang panatilihin nating walang harang ang ating mga tainga sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggi sa mga huwad na katotohanan at manatili sa pakikinig sa tinig ng Diyos.



Isa pa ring katotohanang gumigising sa atin ay yaong mga tumatanggi sa katotohanan ay kadalasang nagdadawit pa ng iba patungo sa kanilang panlilinlang, katulad ng nalaman natin sa babasahin para sa araw na ito sa Genesis. Pag-isipan mo ang mga tanong na ito. Sino ang nanganganib kapag hindi ka nakikinig sa Diyos? Ang iyong asawa? ang iyong mga kaibigan? Ang iyong boss? Ang iyong mga anak? Maaaring isang hindi mo kakilala na nais ng Diyos na paglingkuran mo?



Palagay ko ay ngayon na ang tamang panahon upang huminto ako ng pagsusulat para makinig ka nang may pananalangin.



Hilingin mo sa Ama:Maaari mo bang ipakita sa akin ang anuman at ang bawat kasalanang aking pinaniniwalaan?


Inirerekomendang Awit ng Pagsamba Para sa Araw na ito: "No Other Name" ng Hillsong Worship



Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Listening To God

Sinulat ni Amy Groeschel ang Gabay sa Bibliang ito na tatagal ng pitong araw sa pag-asang ito ay tatanggapin bilang isang mensaheng nanggagaling mula mismo sa puso ng ating mapagmahal na Ama patungo sa puso mo. Ang kanya...

More

Malugod naming pinasasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng planong ito. Sa karagdagan pang kaalaman, maaring bisitahin ang: www.life.church

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya