Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pakikinig sa DiyosHalimbawa

Listening To God

ARAW 4 NG 7

Nalinlang Dahil sa Paghahangad

Ang pinagmulan ng kasalanan ay nagsimula sa mga kasinungalingang ito: Hindi mabuti ang Diyos, Hindi Siya mapagkakatiwalaan, at tinitiis Niya tayo. Tunay ngang nagpapatuloy pa rin ang panlilinlang na ito hanggang ngayon. At kung hindi pa sapat iyan, tulad ni Eba, ang ating labis na pagmimithi ay nakikipagtulungan pa sa mga kasinungalingang iyan! Ang mga panlilinlang na ito ay kailangan upang masubok ni Satanas na ihiwalay tayo sa Diyos.

Nakita ni Eba ang bunga at naisip niyang napakaganda at kaaya-aya talaga nito. Naakit din siya ng tukso para sa higit na kaunawaan, kaalaman, at maaaring higit na kapangyarihan. Ikaw ay magiging parang Diyos.Talagang nadaya siya!

Ikaw? Ilang beses ka nang nagapi ng katakawan ng iyong mga mata at ng iyong limitadong pang-unawa? Hindi ko gustong panghinaan ka sa katanungang ito kundi gisingin ka dahil, kaibigan, hindi kailangang ganito ang mangyari!

Ang pamumuhay na may ugnayan sa tinig ng Diyos ay nangangahulugang sinusunod natin ang Kanyang mga tagubilin bilang pagkilala sa Kanya. Magbigay sa Kanya ng kaluwalhatian, pasasalamat para sa bawat sandali sapagkat kasama mo Siya! Ang banal na ugnayang ito ay nangangahulugang lubos nating ibinibigay ang ating tiwala sa Kanya sa bawat pagkakataon at isinasarado natin ang ating mga tainga at mga mata sa lahat ng maaaring luminlang sa ating mga puso at isipan.

Ang mundong ito ay hindi ko mundo, at ito ay hindi rin sa iyo! Ang isang bagong Langit at Mundo ay naghihintay para sa mga taong patuloy na nagtitiwala nang may pagtitiyaga sa kanilang Tagapagligtas. Hindi natin kailangang makuntento sa paggawa ng mga bagay na walang katuturan. Hindi natin kailangang matakot na baka may nakakaligtaan tayong “magandang bagay” dahil alam nating may naghihintay na dakila at walang hanggang gantimpala para sa atin. At, batid nating ang tunay na Magandang Bagay ay tanging ang Diyos lamang! Siya ang ating lahat-lahat, ang ating Kasapatan, ang ating Taga-buo!

Tanungin mo ang Diyos Ama:Mayroon ba akong kailangang gawin o kailangang malaman upang ang pagnanais ng puso ko ay laging para sa Iyo lamang?

Inirerekomendang Awit ng Pagsamba Para sa Araw na ito: “Clear the Stage” ni Jimmy Needham

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Listening To God

Sinulat ni Amy Groeschel ang Gabay sa Bibliang ito na tatagal ng pitong araw sa pag-asang ito ay tatanggapin bilang isang mensaheng nanggagaling mula mismo sa puso ng ating mapagmahal na Ama patungo sa puso mo. Ang kanya...

More

Malugod naming pinasasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng planong ito. Sa karagdagan pang kaalaman, maaring bisitahin ang: www.life.church

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya