Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pakikinig sa DiyosHalimbawa

Listening To God

ARAW 2 NG 7

Maaari Ko Bang Kunin ang Iyong Pansin?

Mayroong pagdinig, at mayroong pakikinig.
Ang pagdinig ay ang kakayahang kilalanin ang mga tunog o impormasyon.
Ang pakikinig ay ang pagbibigay-pansin sa mga ito.

Ang babasahin sa Banal na Kasulatan para sa araw na ito sa Jeremias ay nakapanlulumo, ngunit hindi ito namumukod-tangi. Ang mga kasaysayang ito sa Lumang Tipan ay malalaking babala sa atin ng nakaambang panganib kapag hindi natin ibinibigay sa Diyos ang buong pansin natin kasama ang ating puso, isipan, at lakas. Bakit? Dahil kung hindi natin binibigyang-pansin ang Diyos at ang Kanyang mga pamamaraan, mapupunta tayo sa maling direksyon—aatras tayo sa halip na umabante. Kadalasan, ang mga maling daang ito ay nagdadala sa atin sa madidilim at mapaminsalang lugar.

Ang salaring nagpapagulo ng isipan ay madalas na isang inosenteng pain na nakapang-aakit tulad ng isang listahang puno ng mga kailangang gawin, pagpapalaki ng mga anak, paghahanap ng higit pa ng isang bagay, o maaari ring mga de-koryenteng kasangkapan na maraming nakatutuwang sorpresang nakapaloob dito!

Sa aking pagkakaalam, lahat ng anim kong anak ay may mga pandinig na walang maipipintas, ngunit kadalasan ay parang wala silang naririnig! Kung minsan, ang tanging bagay na makakakuha ng kanilang pansin ay ang aking lihim na salitang bansag: sorbetes. Kaagad na nakukuha ko ang kanilang pansin at sila ay sumasagot. “Wow! Talaga, Ma?”At aamin ako,“Hindi, kailangan ko lamang makuha ang pansin ninyo!”

Sa totoo lamang, maaari rin akong maging taga-pakinig na walang kibo, katulad na lamang kapag ang konsentrasyon ko ay mas nakatuon sa telepono ko kaysa sa pamilya ko“Mmhmm…ano uli iyon, anak?”

Maaaring pagtawanan natin ang ganitong pagkakamali, ngunit hindi talaga mabuti ito. Ito ay pagpapawalang-halaga sa mga tao. At kapag ito ay pagwawalang-bahala sa Diyos, iyon ay pangmamaliit sa kahalagahan ng Diyos at walang dudang pagiging suwail sa Kanya.

Kung susundin natin nang ganap ang Ama natin sa langit, kailangan nating bigyang-pansin ang Kanyang mga mensahe! Tandaan mo. ang Kanyang banal na pakikipag-usap ay may iba't-ibang anyo: ang Kanyang Banal na Salita, ang payo ng isang kapwa mananampalataya, ang Gabay sa Biblia, isang panaginip o pangitain, isang bulong, o kaisipang may pahiwatig. Oo, ang pamamaraan ng Kanyang pakikipag-usap ay malawak sapagkat Siya ay MALAKING DIYOS at isang dalubhasa sa pakikipag-usap na nagnanais ng tuluy-tuloy na pakikipag-ugnayan sa iyo!

Tanungin mo ang Diyos Ama:Ano ang nakakagambala ng pagbibigay-pansin ko sa Iyo?

Inirerekomendang Awit ng Pagsamba Para sa Araw na ito: “First” ni Lauren Daigle

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Listening To God

Sinulat ni Amy Groeschel ang Gabay sa Bibliang ito na tatagal ng pitong araw sa pag-asang ito ay tatanggapin bilang isang mensaheng nanggagaling mula mismo sa puso ng ating mapagmahal na Ama patungo sa puso mo. Ang kanya...

More

Malugod naming pinasasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng planong ito. Sa karagdagan pang kaalaman, maaring bisitahin ang: www.life.church

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya