Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Paglalaan ng Oras Upang MagpahingaHalimbawa

Making Time To Rest

ARAW 3 NG 5

Pagpapanumbalik ng Kaisipan sa Pamamagitan ng Pagtatala.


Ang anumang iyong isipin ay lumalago. Huwag pagtuunan ng pansin ang iyong pinagdadaanan. Pagtuunan ang iyong mga gagawin! — Dr. Caroline Leaf


Sa ikalawang araw, natutunan natin ang pamamaraan ng pagpapahinga sa pamamagitan ng pagninilay-nilay sa Salita ng Diyos upang ang ating mga aksyon ay maging kahanay ng Kanyang katotohanan. Maraming paraan upang hayaang tumagos ang Banal na Kasulatan sa ating mga espiritu. Ang Kanyang katotohanan ay literal na ibubuhos sa ating mga kaisipan at mag-uumpisa nating makita ang mga bagay sa ibang paraan. Habang tayo ay nagninilay-nilay sa Salita ng Diyos, mababago ang ating mga kaisipan at makakahanap tayo ng kapahingahan na inakala nating imposible.


Upang masulit ang ating oras sa Salita ng Diyos, maaari nating isama ang pagtatala sa ating pang-araw-araw na kasanayan. Hindi naman kailangan na malalim o madetalye ang ating pagtatala kung hindi ito ang ating nakasanayan. Maaari itong maging simpleng pagsusulat lamang ng ilang linya na nagsasaad ng ating mga nabatid habang tayo ay nagbabasa ng Biblia. Napakaraming paraan upang magtala. Maaari nating isulat ang ating mga saloobin o panalangin; may ibang tao naman din na lumilikha ng mga pagguhit sa oras ng kanilang pagtatala. Walang isang tamang paraan para gawin ito. Upang matulungan kang makapagsimula, narito ang isang halimbawa na maaari mong sundan:


  • Mamili ng isang berso (o higit sa isa) at basahin ito. 
  • Basahin itong muli. 
  • Isulat ito. 
  • Humingi sa Diyos ng saloobin at isulat ang mga ito.

Maaaring piliin mo na magtala tungkol sa Mga Taga-Roma 8:28 na sinasabing, “Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin. ” Pagkatapos itong basahin ng dalawa hanggang tatlong beses, isulat natin ito. Maaari rin nating isulat ang iba't-ibang bersiyon nito. At sa pagtatapos, hihingi tayo sa Diyos ng saloobin tungkol sa ating nabasa.


Habang inaaral natin ng mabuti ang Banal na Kasulatan gamit ang halimbawa sa itaas, puwede nating isapuso ito sa loob ng isang araw. Ang araw-araw na pagtatala ay magbibigay sa atin ng talaorasan na maaari nating balikan upang makita ang ating espirituwal na paglago at ang mga sariwang paraan na kinausap tayo ng Diyos sa nakaraan. 


Mas malilinawan tayo sa mga bagay at magkakaroon tayo ng bagong pagtingin sa kung paano natin magagamit ang Salita ng Diyos sa ating mga buhay at kung paano nito tayo ibinabalik sa ayos mula sa loob, palabas. At sa patuloy na pagbabago ng ating mga kaisipan, tayo ay nakakatanggap ng kapahingahan na hindi kailanman makukuha sa mga kagalakan na dala ng mundo. 


Pagnilayan 


  • Nasubukan mo na bang gawing bahagi ng iyong araw-araw na pakikipag-usap sa Diyos ang pagtatala?  
  • Mamili ng isang berso at magtala tungkol dito gamit ang halimbawa sa itaas. 
  • Isulat ang anumang pagpapahayag ng Diyos sa iyo sa pamamagitan ng iyong pagbabasa ng Biblia o debosyon sa araw na ito.
Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Making Time To Rest

Ang labis na pagtatrabaho at ang madalas na pagiging abala ay kadalasang hinahangaan ng mundo, at maaaring maging hamon ito sa pagpapahinga. Para magawa natin ang ating mga tungkulin at mga plano nang epektibo, kinakaila...

More

Ang orihinal na Bible Plan na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya