Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Paglalaan ng Oras Upang MagpahingaHalimbawa

Making Time To Rest

ARAW 1 NG 5

Ano ang ibig sabihin pag sinabi nating magpahinga?



Tila napupuno ang ating talaan sa paglipas ng mga buwan. Kapag ginusto nating makipagkita sa ating mga kaibigan, magugulat tayo na ang sunod na libreng gabi ay sa mga susunod pang buwan. May mga gawain ang ating mga anak, gawain sa iglesia, sa trabaho, pagtitipon para sa kaarawan at mga bakasyon para sa tag-init. Naisip at naplano na natin ang buong buhay natin at wala nang lugar para sa mga bagay na maaaring magpalakas sa atin at magbigay ng kapahingahan.



Malimit nating isipin na ang pagpapahinga ay nangangahulugang kailangang maging tamad. Nangangahulugang nasa bahay lang tayo at walang gagawing kahit ano. Marahil mayroon ngang ganitong aspeto sa pagpapahinga, ngunit hindi ito ang kabuuan ng kuwento.



Ang pagpapahinga ay tungkol sa pagpapanumbalik.

Panahon ito na malaman kung kailan tayo ay nasagad na, pagod at nangangailangang sandaling huminga nang malalim. Panahon na malaman ang ating limitasyon at kung paano natin pinapangasiwaan ang gawain natin sa bawat araw. Upang ang ating katawan ay makabawi ng lakas muli, kailangan natin ng saganang pahinga, kasama na ang pagkakaroon ng sapat na tulog sa gabi. Kung napapansin nating malimit tayong pagod, mabuting bagay na suriin natin hindi lamang ang haba ng ating tulog kundi pati na ang panahon kung kailan natin nakukuha ito.



Ang pagpapahinga ay tungkol sa pagkakaroon ng kaginhawaan.

Panahon ito na malaman natin kung ano ang mga nagpapalakas at kung ano ang hindi. Ito ang pagpili na magdagdag ng mga gawain o katahimikan na magbibigay ng kaginhawaan sa ating espiritu. Kung patuloy tayong gagawa ng mga bagay na uubos sa ating lakas sa halip na na naghahanap dapat tayo ng mga bagay na pupuno sa atin, hindi natin matatamo ang kaginhawaan. Kailangan natin maglaan ng panahon dito kaysa bawasan ang oras ng ating pahinga.



Ang pagpapahinga ay tungkol sa panibagong sigla.

Panahon ito na makaranas ang bawat bahagi ng ating buhay ng panibagong sigla. Panahon ito ng paglalaan ng oras sa Diyos upang gawin Niyang bago ang ating espiritu. Maaaring may mga bagay tayong ginagawa na mabuti sa ating isip, sa huli, kailangan ng ating espiritu na makaranas ng kaginhawaan sa pamamagitan ng pakikipag-isa sa Diyos sa bawat araw.



Sa susunod na apat na araw, pag-uusapan natin ang ilang mga paraan upang makahanap tayo ng pahinga para sa ating katawan, isipan at espiritu. Matututunan natin kung paano ito maging bahagi ng ating pang-araw araw na buhay. At sa paggawa natin nito, makakapagsimula tayong mamuhay na inaalis ang mga bagay na kumukuha ng lakas mula sa ating isipan, emosyon, espiritu at katawan.



Magnilay




  • Kapag naiisip mong magpahinga, nararamdaman mo bang tila imposible ito?  

  • Anong bahagi ng buhay mo ang sa tingin mo nangangailangan ng higit na pahinga? Katawan, kaisipan, o espiritu?

  • Isulat mo ang mensahe ng Diyos na nais Niyang sabihin sa iyo mula sa binasa mo ngayong araw.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Making Time To Rest

Ang labis na pagtatrabaho at ang madalas na pagiging abala ay kadalasang hinahangaan ng mundo, at maaaring maging hamon ito sa pagpapahinga. Para magawa natin ang ating mga tungkulin at mga plano nang epektibo, kinakaila...

More

Ang orihinal na Bible Plan na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya