Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Paglalaan ng Oras Upang MagpahingaHalimbawa

Making Time To Rest

ARAW 2 NG 5

Magnilay sa Salita ng Diyos.



Habang mas binabasa mo ang Biblia; at habang mas pinagninilay-nilayan mo ito, lalo kang mamamangha rito. — Charles Spurgeon



Maraming tagasunod ni Cristo ang hindi nauunawaan ang tunay na kahulugan ng pagninilay. Kapag nagninilay tayo sa isang bagay, itinutuon lamang natin ang ating pag-iisip dito. Para maunawaan kung ano ang kahulugan ng pagninilay sa Salita ng Diyos, basahin natin ang paglalarawan ni Pastor Rick Warren. Sinasabi niya, “Nakakagulat, kung alam mo kung paano mag-alala, alam mo na agad kung paano magnilay sa Salita ng Diyos. Ang pag-aalala ay kung may negatibo kang kaisipan at iniisip mo ito nang paulit-ulit. Kapag kumuha ka ng isang talata sa Banal na Kasulatan at pinag-isipan mo ito nang paulit-ulit at paulit-ulit, pagninilay ang tawag diyan.” 



Binabanggit ng Biblia ang pagninilay ng higit sa dalawampung beses at hinihikayat tayo na magnilay sa Salita ng Diyos. Ito ay isang kapaki-pakinabang na gawain sa ating araw-araw na oras kasama ang Diyos dahil nagbibigay ito ng kapahingahan sa ating isip at emosyon at pati na rin paglagong espirituwal.



Habang naglalaan tayo ng panahon sa pagbabasa ng Biblia sa bawat araw, maari nating tingnan ng mas malalim ang mga talata at umpisahang makipag-usap sa Diyos. Para maintindihan kung paano magnilay sa isa o dalawang bersikulo, himayin natin ang Mga Taga-Efeso 4:31-32 na nagsasabi, “Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa. Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.” 



Basahin natin muli at tanungin ang Diyos:



Mayroon ba akong sama ng loob? 

Isa ba akong taong may galit? 

Masakit ba ang aking pananalita? 

Malambot ba ang puso ko? 

Malaya ba akong nagpapatawad sa iba?
 



Pagkatapos ay pakinggan at hintayin natin ang makapangyarihan, ngunit malumanay na tinig ng Diyos. Madalang na marinig ito nang malakas pero malalaman natin kung ano ang sinasabi Niya sa atin. Maaari nating hayaan ang mga pagninilay-nilay sa kasulatan na samahan tayo sa buong araw para ipaalam sa atin ang anumang sama ng loob, galit, kalupitan, katigasan ng puso, o kawalan ng pagpapatawad na nagtatangkang umagaw ng ating pagiisip. 



Ito ang pagninilay sa Salita ng Diyos. 



Ang mga katotohanan sa Banal na Kasulatan ay pumapasok nang malalim sa ating mga kaluluwa kapag tayo ay nagninilay sa Salita ng Diyos. Ang Pagninilay ay nagbibigay ng bagong antas ng pamamahinga para sa atin dahil ginugugol natin ang enerhiya ng ating utak sa pag-iisip tungkol sa Salita ng Diyos at hindi natin nilulunod ang ating isip sa mga pagkabahala sa mundo. Hindi lamang iyon, mayroon din tayong kapangyarihang gamitin sa ating buhay ang mga salitang nakakapagpabagong-buhay mula sa Diyos. Hindi natin maiiwasang maging kung ano ang gusto ng Diyos para sa atin kung pagsusumikapan natin ito. 



Pagnilayan




  • Pumili ng talata mula sa babasahin ngayon, o iba pang gusto mo, at pagnilay-nilayan ito. Habang binabasa mo ito, hilingin sa Diyos na ipakita sa iyo kung saan mo Siya sinusunod at saan kailangan mong gumawa ng pagbabago para sa iyong paglagong espirituwal. Hayaan ang bagong tuklas na ito na tumagos sa iyong pag-iisip sa buong araw.

  • Isulat ang anumang pagpapahayag na mayroon ang Diyos sa iyo sa pamamagitan ng pagbabasa ng Biblia o debosyonal.

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Making Time To Rest

Ang labis na pagtatrabaho at ang madalas na pagiging abala ay kadalasang hinahangaan ng mundo, at maaaring maging hamon ito sa pagpapahinga. Para magawa natin ang ating mga tungkulin at mga plano nang epektibo, kinakaila...

More

Ang orihinal na Bible Plan na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya