Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Habits o Mga GawiHalimbawa

Habits

ARAW 6 NG 6

Small Wins o Mumunting Panalo



Katulad ng mga domino, ang pagsisimula o paghinto ng mga gawi ay binubuo ng hindi mabilang na mga hakbang na maaaring gawin araw-araw na humahantong sa malaking pagbabago. Simple lamang ang sinabi ni Pastor Craig: "Ang maliliit na pagsasanay na ginagawa nang tuloy-tuloy ay humahantong sa malalaking resulta pagdating ng panahon." Sa madaling salita, ang small wins o mumunting panalo ay mahalaga.  



Ang mga gawi ay hindi mga engrandeng destinasyon na dadatnan mo na lamang isang araw—sila'y maliliit na hakbang na ginagawa mo araw-araw. Ang ilan sa mga pinakamahalagang small wins o mumunting panalo na maaari mong gawin ay madalas na tinatawag na mga gawing nagiging saligang bato. Ang pinakamabilis na pamamaraan upang maunawaan kung ano ang mga gawing nagiging saligang bato ay ang malaman kung ano ang saligang bato. Ang saligang bato ay isang termino na ginagamit sa arkitektura para sa isang batong hugis kalso na nasa ibabaw at sa gitna ng isang arkong gawa sa ladrilyo o mga bato. Ang bawat bato na nasa arko ay itinutulak patungo sa saligang bato, at ang pagiging hugis tatsulok ng saligang bato ang siyang nagiging dahilan kung bakit ang buong arko ay natutukuran. 



Kapag tinanggal mo ang saligang bato, ang buong struktura ay babagsak. Sa biyolohiya, ang isang saligang klase ng hayop ay iyong hayop na pangunahing kailangan sa ekosistema. Ganoon din naman, ang gawi na siyang nagiging saligang bato mo ang siyang tumutulong at nagbibigay-pwersa sa mga gawi mo. 



Maraming aklat tungkol sa mga gawi ang nagsasabi sa iyo tungkol sa mga saligang gawi mo, at ito naman ang dapat nilang sabihin, ngunit ang maaaring hindi nila sinasabi ay may isa pang saligan. Tinawag ni Jesus ang Kanyang sarili na batong-panulok na isang batong ginagamit upang magbigay ng kaparehong suporta para sa buong pagkakatayo ng isang gusali. Maaaring tama ang lahat ng iyong mga saligang ugali ngunit babagsak ka pa rin kung hindi ito nakatayo sa isang pundasyon kung saan ang batong-panulok ay si Jesus. 



Narito ang isang maikling listahan ng mga saligang gawi na maaari mong pag-isipan. Alin sa mga ito ang maaari mong idagdag sa iyong buhay? Ginawa mo na bang batong-panulok si Jesus?




  1. Gumising nang maaga upang may panahon kang simulan ang araw mo kasama si Jesus.

  2. Matulog ng hindi kukulangin sa walong oras sa gabi. 

  3. Kumain kasama ng iyong pamilya o malalapit na kaibigan kahit man lang isang beses sa isang araw.

  4. Dumalo sa isang simbahang malapit sa inyo, at makilahok sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay at paglilingkod. 

  5. Mag-ehersisyo ng kahit man lang 20 minuto tatlong beses isang linggo.

  6. Magpahayag ng ilang mga katotohanan tungkol sa iyong sarili araw-araw. 


Ang pagsisimula ng pang-araw-araw na magagandang gawi at pagtigil sa hindi magaganda ay isang pang-araw-araw na proseso na gagawin mo sa buong buhay mo. Narito ang maaari mong dalhin habang ginagawa mong batong-panulok si Jesus. 



Healthy Identity o Mabuting Pagkakilanlan



Ask for Help o Humingi ng Tulong



Be kind to yourself o Maging mabuti sa iyong sarili



Investigate and make changes o Magsiyasat at gumawa ng mga pagbabago



Trust the God-process o Magtiwala sa proseso ng Diyos



Small wins o Mumunting panalo



Get the Guide to Good Daily Habits.


Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Habits

Ang pagbabago ay hindi madali, ngunit hindi ito imposible. Ang pagsisimula ng ilang maliliit na gawi ay maaaring makapagpabago kung paano mo nakikita ang iyong sarili ngayon at ibahin ang pananaw mo sa taong gusto mong m...

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring pumunta sa: https://www.life.church/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya