Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Habits o Mga GawiHalimbawa

Habits

ARAW 2 NG 6

Ask for Help o Humingi ng Tulong

Kahapon ay pinag-usapan natin ang tungkol sa paghahanap ng healthy identity o mabuting pagkakakilanlan sa katotohanan ng Diyos tungkol sa iyo. Ang letra ng HABITS para sa araw na ito ay maaaring maging isa sa mga pinakamahalaga, dahil ito ay mahalaga sa lahat ng iba pa: ask for help o humingi ng tulong.


Sa aklat ng Mga Hebreo—isang liham na isinulat para sa mga Hudyo na sumusunod kay Jesus—iminungkahi na ang pagpapabaya na dumalo sa pagtitipon kasama ang ibang mga mananampalataya ay hindi lamang kakulangan ng isang mabuting gawi, kundi ito ay pagkakaroon ng isang masamang gawi.


Ang orihinal na salitang Griyego na ginamit para sa salitang "habit" sa Hebreo 10: 24-25 ay ðos na nagpapahiwatig ng isang bagay na naging isang kaugalian, na maaaring iniutos ng batas. Ang mga gawi ay masasabing reseta para sa isang bagay. Ang magagandang gawi, tulad ng pagiging bahagi ng komunidad ng pananampalataya, ay mabuting gamot. Ang masamang gawi, tulad ng pagbubukod ng ating sarili kapag tayo ay may pinagdaraanang mabigat sa buhay, ay isang reseta para sa karagdagang sakit at dusa.


Halimbawa, kakailanganin mo ang letra para sa araw na ito (ask for help o humingi ng tulong) upang makagawa ng anumang makabuluhang pag-unlad sa letrang itinampok kahapon: healthy identity o mabuting pagkakakilanlan. Karamihan sa mga nakatago at mas malalim na pakikibakang pagkakakilanlan na ating kinakaharap ay lalabas lamang kapag nakikipag-usap tayo sa mga taong pinagkakatiwalaan natin, mga tagapayo, pastor, ang ating asawa, at ang Diyos na ating pinagkakatiwalaan.


Naging ugali mo na ba ang pagpapabaya na makasama sa pagtitipon ng kapwa mananampalataya? Okay lang iyan. Ang reseta ay simple: ask for help o humingi ng tulong. Subalit huwag lamang humingi ng tulong minsan. Gawin ang regular na pagsasama upang makibahagi nang hayagan sa mga taong sumusunod kay Cristo.


Tanungin ang iyong sarili: Sinong kakausapin ko tungkol sa mga gawing nais kong simulan at mga gawing nais kong itigil? Kailan ko sila kakausapin?

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Habits

Ang pagbabago ay hindi madali, ngunit hindi ito imposible. Ang pagsisimula ng ilang maliliit na gawi ay maaaring makapagpabago kung paano mo nakikita ang iyong sarili ngayon at ibahin ang pananaw mo sa taong gusto mong m...

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring pumunta sa: https://www.life.church/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya