Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Habits o Mga GawiHalimbawa

Habits

ARAW 4 NG 6

Investigate and Make Changes o Magsiyasat at Gumawa ng mga Pagbabago



Nagsimula ka na ba sa pagtuklas ng healthy identity o mabuting pagkakakilanlan? Nakakuha ka ba ng mga layuning nakabase sa pagkakakilanlan at mga katotohanan mula sa Salita ng Diyos para malunasan ang iyong pagkakakilanlan? Natagpuan mo na ba ang mga tamang tao kung kanino maaari kang mag ask for help o humingi ng tulong? Maaring nalaman mo nang hindi ito talaga napakadali, at hindi ka nakatupad sa mga ginagawa mong bagong gawi—ngunit naalala mong maging mabuti sa sarili o be kind to yourself. Ano ang susunod na letra sa HABITS? Investigate and make changes o magsiyasat at gumawa ng mga pagbabago.  



Anong kinalaman ng pagsisiyasat at paggawa ng mga pagbabago sa mga bagay na ito? Si Charles Duhigg, ang sumulat ng The Power of Habit, ay pinasikat ang ideya ng "habit loop." Ang habit loop ay binubuo ng hudyat, proseso, at gantimpala. Kung ang gawi mo ay ang sobrang pagkain bago matulog, ang loop ay maaaring ganito. Hudyat: Umupo kang kasama ang iyong asawa o mga kaibigan upang manood ng palabas at nakakita ka ng patalastas na may pagkain. Proseso: Titingnan mo ang laman ng refrigerator at makakakita ka ng masarap na pagkain. Gantimpala: Maglalabas ng mga positibong kemikal ang iyong katawan habang kumakain ka at kasama ang mga kaibigan mo. Ang resulta ay isang gawing hindi mo kayang baguhin. 



Kapag may dating gawi tayong nais ihinto o kaya naman ay bagong gawing nais na simulan, malamang na may pakikibaka tayong mararanasan sa ating paggawa nito. Kung minsan ang pakikibakang ito ay may kinalaman sa habit loop. Kung ikaw ang taong gustong ihinto ang gawi ng sobrang pagkain bago matulog, gugustuhin mong malaman kung ano ang nagbibigay-hudyat dito. Maaaring hindi ang patalastas tungkol sa pagkain sa iyong pinapanood, maaaring ang mismong panonood lamang, kasama ang iyong mga kaibigan, o ano mang mga bagay na maaaring pinagsisimulan nito. Maaari mo ring pag-isipan ang iyong proseso. Tinitingnan mo lang ba ang laman ng refrigerator dahil naiinip ka lang, o dahil nakagawian mo na ito, o baka talagang nagugutom ka? Ang gantimpala ay napakahalaga. Ang nakasisiya ba sa iyo ay ang pagkain mismo o ang ideya ng pagkain kasama ang iyong mga kaibigan? Maaaring kinakabahan ka lang kapag may mga partikular na tao kang kasama, o maaaring kumakain ka habang nanonood para iwasan ang pakikipag-usap sa iyong asawa. 



Kapag nararanasan nating hindi tayo makawala sa habit loop, huminto tayo, magsiyasat, at pagkatapos ay gumawa ng mga pagbabago. Gayundin, gamitin nating ang habit loop upang magsimula ng magagandang gawi habang bumubuo tayo ng mga positibing hudyat, maayos na proseso, at tamang gantimpala. 



Narito ang isang bagay tungkol sa pagsisimula o paghihinto ng habit loop na hindi mo mababasa sa mga aklat: Laging may paraan. Paano natin nalaman ito? Sa 1 Mga Taga-Corinto 10:13, sinasabi ng Apostol na si Pablo na tapat ang Diyos—hindi Niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, sa pagdating ng pagsubok, bibigyan Niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan ito. Kaya't magsiyasat tayo, gumawa ng mga pagbabago, magtiwala sa Diyos, humingi ng tulong sa mga tao, at patuloy na gawin ang susunod na hakbang habang ginagabayan tayo ng Diyos sa ating pagsulong.  



Pag-isipan ito: Ano ang mga hudyat ko? Paano kong mapapalitan ang mga negatibong hudyat ko ng mga positibo? Saan ako dinadala ng mga proseso ko? Anong mga gantimpala ng mga gawi ko? Ito ba ang mga gantimpalang nakalaan sa akin mula sa Diyos? 


Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Habits

Ang pagbabago ay hindi madali, ngunit hindi ito imposible. Ang pagsisimula ng ilang maliliit na gawi ay maaaring makapagpabago kung paano mo nakikita ang iyong sarili ngayon at ibahin ang pananaw mo sa taong gusto mong m...

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring pumunta sa: https://www.life.church/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya