Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng LoobHalimbawa

Praying For Your Elephant - Praying Bold Prayers

ARAW 6 NG 7

“Unang Napakinggan" Ang pagtatalaga na gawing pangunahing gabay ang Diyos ay mahalaga sa pagtahak sa tamang landas ng iyong buhay. Ito ang katotohanan. Hindi namatay si Jesus sa krus para lamang ipagpatuloy Niya ang pakikipag-usap sa iyo sa pamamagitan ng ibang tao, pelikula, o aklat. Naparito si Cristo at nagdusa upang makilala mo siya nang lubos at mabuksan ang lahat ng linya ng komunikasyon na hinarangan ng kasalanan ng sangkatauhan. Naparito Siya upang direktang makipag-ugnayan sa iyo. Malinaw ang sinasabi sa Banal na Kasulatan, “Kaya’t huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos, upang makamtan natin ang habag at kalinga sa panahon ng ating pangangailangan.” Hindi nito sinasabi na dumulog tayo sa trono na nakatayo sa likod ng isang taong tagapamagitan. Ito ay isang napakaganda at malalim na pahayag. Ang inuupuang trono ng Diyos ay trono ng biyaya na sasagutin ang iyong mga pangangailangan at kung saan masusumpungan mo ang habag at pagpapala na iyong hinahanap. Kung ikaw ay nagtataka man kung saan napunta ang biyaya sa iyong buhay, makikita mo iyon sa trono ng Diyos.

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Praying For Your Elephant - Praying Bold Prayers

Halina’t tuklasin ang pambihirang karanasan ng buhay na puspos ng panalangin. Samahan si Pastor Adam Stadtmiller sa isang paglalakbay tungo sa pag-aaral kung paano manalangin para sa mga bagay na tila imposible – ang iyo...

More

Nais naming pasalamatan si David C. Cook sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang http://www.dccpromo.com/praying_for_your_elephant/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya