Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng LoobHalimbawa

Praying For Your Elephant - Praying Bold Prayers

ARAW 3 NG 7

“Ang Dahilan Kung Bakit Tayo Humihiling, Naghahanap, at Kumakatok” Sinasagot ng Diyos ang panalangin, ngunit ang panalangin ng kahilingan ay hindi lamang tungkol sa mga kasagutan. Ang panalangin ng kahilingan, gaya ng lahat ng iba pang uri ng dasal, ay tungkol sa pakikipag-ugnayan. Kapag ang panalangin ng kahilingan ay ginawa mong tungkol lamang sa sagot na iyong makukuha, ikaw ay napupunta sa mapanganib na lugar. Kapag ang pangunahing dahilan ng panalangin ay makakuha ng kasagutan, ang pakikipag-ugnayan natin sa Diyos ay natutuon na lamang sa mga resulta. Kapag ang tugon ng Diyos ay hindi o kaya ay kumikilos Siya nang hindi naaayon sa ating oras, labis ang ating pagtatanong ng bakit at natutukso tayong makaramdam ng kakulangan o naiisip nating hindi tayo mahal ng Diyos. Makasisiguro ka na habang ikaw ay natututong gumamit ng panalangin ng kahilingan, ang diablo ay gagawa ng paraang mailihis ang iyong panalangin mula sa pakikipag-ugnayan patungo sa paghahanap ng mga kasagutan. Si Cristo man ay batid ang kaugnay na layunin ng panalangin ng kahilingan. Sa ika-pitong kapitulo ng Mateo, hinamon ni Jesus ang Kaniyang mga alagad na humiling ng mga bagay – malalaking bagay – tulad ng mga “elepante” o tila mga imposible sa panalangin. Mabilis Niyang itinuon ang atensyon mula sa paghiling patungo sa ugnayan ng mag-ama na bumabalot sa bawat hiling natin. Sinasabi ni Jesus na sa tuwing humihiling ka sa panalangin ay binubuksan mo ang mga linya ng komunikasyon at inilalagay mo ang iyong sarili sa posisyon na mararanasan mo ang pakikipag-ugnay sa isang mapagmahal at mahabaging Ama. Kapag tinutugon ng Diyos ang iyong mga panalangin sa isang dramatikong paraan, ikaw ay lalago sa kaalaman ng Kaniyang lakas at kalinga para sa iyo. Kapag ang Diyos ay kumikilos ayon sa Kaniyang oras sa halip ng sa iyo, mas lalalim ang iyong kaalaman tungkol sa Kaniyang mapag-ibayong kapangyarihan. At kapag ang tugon ng Diyos ay hindi at ang iyong mga pangarap ay naglaho o di kaya’y nawala ang isang taong malapit sa iyo, makikilala mo ang Diyos bilang tagapag-aliw na umiiyak kasama mo. Kung nais mong makilala ang Diyos bilang Ama, simulan mo nang lumapit sa trono ng langit at humiling sa iyong panalangin.
Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Praying For Your Elephant - Praying Bold Prayers

Halina’t tuklasin ang pambihirang karanasan ng buhay na puspos ng panalangin. Samahan si Pastor Adam Stadtmiller sa isang paglalakbay tungo sa pag-aaral kung paano manalangin para sa mga bagay na tila imposible – ang iyo...

More

Nais naming pasalamatan si David C. Cook sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang http://www.dccpromo.com/praying_for_your_elephant/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya