Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng LoobHalimbawa

Praying For Your Elephant - Praying Bold Prayers

ARAW 5 NG 7

"Nakalubog na Kayamanan" Sinasabi sa aklat ni Santiago, "Wala ka nito sapagkat hindi ka humiling." Upang ilarawan ito, may isang kuwento tungkol sa isang batang lalaki na nanaginip tungkol sa langit. Sa kanyang panaginip, dinala ng Diyos ang bata sa isang silid. Sa loob ng silid ay may iba’t ibang uri ng materyal na bagay gaya ng mga kotse, bahay, at iba pang mga kagamitan na kailangan sa pang-araw-araw na buhay. Sa loob din ng silid ay may mga bagay na nakapangingilabot: mga mata, binti, kamay, at paa na nakatumpok sa iba’t ibang sulok. Nang tanungin ng bata ang Diyos kung ano ang kahulugan ng lahat ng ito, sumagot ang Diyos, “Ito ang mga tugon sa mga panalanging hindi sinambit.”Kahit na hindi makatotohanan ang kuwentong ito, may dala pa rin itong isang malalim na mensahe. Ito ay may katuturan at masasabing naaayon sa turo ng Banal na Kasulatan. Hindi nakakamtan ng mga tao ang mga bagay na inilaan para sa kanila ng Diyos dahil sa isang payak na dahilan: hindi sila kailanman humiling. Tulad ng isang lumubog na kayamanan na nagkalat sa ilalim ng dagat, ang tugon ng Diyos sa mga panalanging hindi nasambit ay mananatiling nakakubli at nawawala. Ikaw ba? May mga kayamanan din ba sa buhay mo na kasamang lumubog sa mga galyon ng mga Kastila at naghihintay pa rin na mahukay at matuklasan? Hindi kaya marami sa mga bagay na inilaan sa iyo ng Diyos ay hindi mo tinatamasa dahil lamang hindi ka humiling?

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Praying For Your Elephant - Praying Bold Prayers

Halina’t tuklasin ang pambihirang karanasan ng buhay na puspos ng panalangin. Samahan si Pastor Adam Stadtmiller sa isang paglalakbay tungo sa pag-aaral kung paano manalangin para sa mga bagay na tila imposible – ang iyo...

More

Nais naming pasalamatan si David C. Cook sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang http://www.dccpromo.com/praying_for_your_elephant/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya