Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Sa Lahat ng BagayHalimbawa

In All Things

ARAW 5 NG 5

Ang Ating Kagalakan ay Mahalaga Kay Jesus



Nang gabi bago Siya namatay, nakibahagi si Jesus sa huling hapunan at pakikipag-usap sa Kanyang mga disipulo. Ano ang inaalala ni Jesus nang Siya ay naghanda na bago iwanan ang Kanyang mga minamahal? 



Sa Juan 14–16 ay mababasa natin na inaliw ni Jesus ang Kanyang mga disipulo at hinikayat silang huwag mabalisa. Tinuruan din Niya silang sumunod. Bukod kay Jesus wala silang kahit na anong magagawa. 



At pagkatapos ay ipinaliwanag ni Jesus kung bakit sinasabi Niya sa kanila ang lahat ng mga bagay na ito. Sinabi Niya, “Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang mapasainyo ang kagalakan ko at nang sa gayon, malubos ang inyong kagalakan.” (Juan 15:11). 



Si Jesus ay nag-aalala para sa ating kagalakan. 



Habang isinusulat ko ang mga salitang ito ngayon, puno ng luha ang aking mga mata. Kamangha-mangha ang pag-ibig, napakabanal! Sa kasagsagan ng Kanyang sariling paghihirap, ninais ni Jesus ang kagalakan ko at ang sa iyo. Ito ay hindi kapani-paniwala, hindi ba? Para sa kagalakang nakatakda sa Kanya, tiniis ni Jesus ang krus (Mga Hebreo 12:2). 



At hindi umaasa si Jesus na magkaroon tayo ng kaunting kaligayahan. Nais Niyang magkaroon tayo ng ganap na kagalakan—nag-uumapaw, sagana. Ang ating kagalakan ay mahalaga kay Jesus.



Si Jesus ang pinagmumulan ng ating kagalakan, at Siya ang nagpapanatili nito. Kung hiwalay sa Kanya, ang ating buhay ay walang laman, walang kabuluhang mga pagtatangka upang makahanap ng kasiyahan. Tayo ay gumagala, lubhang nauuhaw hanggang sa uminom tayo mula sa Kanya. Siya ang simula at ang wakas, ang Alpha at ang Omega. Bawat mabuting kaloob ay mula sa Kanyang kamay, at walang mabuti na umiiral bukod sa Kanya. Ang pagnanais natin para sa kagalakan ay isang pagnanais para kay Jesus. 



Sa aklat ng MgaTaga- Filipos, nakikita natin ang tunay na kagalakan. Ang kagalakan ay nagsisimula sa kaligtasan at nadaragdagan habang nararanasan natin ang tunay na pagsasamahan, nauunawaan ang pagiging Panginoon ni Cristo, nakikibahagi sa pagpapakumbaba ni Cristo, at sumusunod sa Salita ng Diyos. Habang lumalago tayo sa pananampalataya, nagbabago ang ating mga hangarin. Nais nating makilala si Jesus. Inilalagay natin ang ating pag-asa sa makalangit na kagalakan kaysa sa makamundong kalagayan. Nagdarasal tayo nang may pasasalamat sa halip na mabahala sa pagkabalisa. Tayo ay bukas-palad na nagbibigay para isulong ang gawain ng ebanghelyo. 



Tulad ng natutunan ni Pablo, ang sikreto ng pagiging kuntento sa kasaganaan at sa pangangailangan habang lumalaki tayo sa ating pag-asa sa Diyos, namumulaklak tayo bilang mga babaeng may kagalakan. 



Ang mga huling salita ko sa inyo ay sumasalamin sa aking matinding pagnanais para sa inyo: Huwag tumigil sa pag-aaral ng Salita ng Diyos. Manatili sa Diyos, manalangin sa Kanya, hanapin Siya tuwina. 



Nawa'y mapasainyo ang Kanyang kagalakan, at ito'y maging ganap. 



Ano ang ibig sabihin ng piliin ang kagalakan, anuman ang mga pangyayari?


Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

In All Things

Ang liham na isinulat ni Pablo sa iglesia sa Filipos ay naisalinlahi sa mga henerasyon upang palusugin at hamunin ang ating mga puso at isipan sa ngayon. Ang limang-araw na gabay na ito ay magbibigay sa iyo ng karanasan ...

More

Nais namin pasalamatang ang WaterBrook Multnomah para sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://waterbrookmultnomah.com/books/561570/in-all-things-by-melissa-b-kruger/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya