Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Sa Lahat ng BagayHalimbawa

In All Things

ARAW 2 NG 5

Biyayang Nagliligtas



Magbalik-tanaw tayo sa simula ng ministeryo ni Pablo, nang inilatag ng Diyos ang pundasyon ng kagalakan ni Pablo. Hindi lang binago ng Diyos ang puso ni Pablo, Kanya ring ibinukod siya bilang isang apostol, ibinigay sa kanya ang panawagan ng awtoridad sa simbahan at, kalaunan, ang pribilehiyong maisulat ang mga salita ng Banal na Kasulatan. Nakialam ang Diyos at binago ang buhay ng taong ito, itinakda siya upang ibahagi ang magandang balita ni Jesus sa mga taong nasa labas ng Judiong pananampalataya. Inihanda ng Diyos ang ministeryo para kay Pablo at inihanda rin siya para sa ministeryo. Si Pablo ay nagbago mula taga-usig hanggang sa mangangaral hanggang sa inuusig. 



Bagama't tayo ay malabong makaranas ng isang nakakabulag na ilaw sa daan papuntang Damascus tulad ng nangyari kay Pablo, bawat isa sa atin ay may kuwento ng pananampalataya na isang milagro rin sa sarili nitong paraan. Ang iyong kuwento ay maaring isang dramatikong pangyayari na tulad ng kay Pablo, o maaaring ikaw ay nakaranas ng isang dahan-dahang paggising sa pananampalataya. Tinatawag tayo ng Diyos na lumapit sa Kanya sa iba't ibang paraan. Anumang paraan man Siya kumikilos sa iyong buhay, ang magandang balita ay ang mga kaliskis sa iyong mga mata na dating bumulag sa iyo ay natanggal na mula sa iyong mga mata! May inihanda ang Diyos na ministeryo para sa iyo at inihanda ka rin para magministeryo sa iba. 



Nakilala ni Pablo ang iba't ibang klase ng mga tao sa kanyang panahon sa Filipos. Si Lydia, halimbawa, ay isang negosyante mula Thyatira, sapat ang yaman para imbitahan si Pablo at ang kanyang mga kasama sa kanyang pamamahay. Nakilala rin ni Pablo ang isang aliping babae, mga kapwa preso, at isang Romanong guwardya na nagbahagi ng ebanghelyo sa kanyang buong sambahayan.



Mga lalaki at mga babae, mayaman at mahirap, relihiyoso o hindi relihiyoso, konektado sa pulitika at mga kalaban ng estado. Ang mabuting balita ng ebanghelyo ay para sa lahat. Walang sinuman ang sobrang bait na hindi nangangailangan ng ebanghelyo at walang sinuman ang lubusang nawawala na hindi mahahanap ng ebanghelyo. 



Maglaan ng ilang sandali ngayon upang pagnilayan ang iyong sariling kuwento ng kaligtasan. Marahil, nagsisimula mo pa lang maintindihan ang nagliligtas na biyaya ng Diyos! O siguro ay mayroon kang kilala na kailangang marinig ang magandang balita ng ebanghelyo. Ipanalangin mo sa Diyos na buksan Niya ang puso ng iyong kakilala.



Bagama't ang libro ng Mga Taga-Filipos ay isang talaan ng mga pag-uusap nina Pablo at ng kanyang mga kapatiran sa Filipos, lahat ng Salita ng Diyos ay isang sulat sa pagitan Niya at ng mga nananalig sa Kanya, habang Kanyang ihinahayag ang Kanyang sarili sa kabuuan ng panahon upang ang lahat ay lumapit sa Kanya.



Sino ang ginagamit ng Diyos sa iyong buhay upang dalhin ka palapit sa Kanya?



  


Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

In All Things

Ang liham na isinulat ni Pablo sa iglesia sa Filipos ay naisalinlahi sa mga henerasyon upang palusugin at hamunin ang ating mga puso at isipan sa ngayon. Ang limang-araw na gabay na ito ay magbibigay sa iyo ng karanasan ...

More

Nais namin pasalamatang ang WaterBrook Multnomah para sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://waterbrookmultnomah.com/books/561570/in-all-things-by-melissa-b-kruger/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya