Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Sa Lahat ng BagayHalimbawa

In All Things

ARAW 4 NG 5

Isang Panawagan para Magalak



Habang nakagapos, si Pablo ay nagalak. Ano kaya ang nakapagdulot ng gayong kagalakan sa kanyang puso habang nagtitiis ng matinding sakit at hindi makatarungang mga kalagayan? Naunawaan ni Pablo na ang kanyang espirituwal na pagkakaligtas ay hindi kailanman makukuha sa kanya. Nang ang lahat ay madilim, ang kanyang kaligtasan ay nagdulot sa kanya ng kagalakan.



Tinatawag tayo ng aklat ng Mga Taga-Filipos sa isang buhay ng kagalakan. Sa kaligtasan, binibigyan tayo ng Diyos ng kagalakan na nakasalalay sa isang bagay na mas tiyak kaysa sa anumang bagay sa lupa. Ang ating kagalakan ay nakasalalay kay Jesus: sa Kanyang perpektong buhay, sa Kanyang sakripisyong kamatayan, sa Kanyang mahimalang muling pagkabuhay.



Kahit na tayo ay nakagawa ng mga pagkakamali at kahit na patuloy tayong nakikipagbuno sa kasalanan, kung tayo ay na kay Cristo, walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos. Mayroon tayong walang hanggang pinagmumulan ng kagalakan na magagamit natin.



Buong katapatang pinaalalahanan ni Jesus ang Kanyang mga tagasunod na ang batayan ng kanilang kagalakan ay hindi ang kanilang tagumpay sa pagmiministeryo kundi ang katotohanang iniligtas at tinubos sila ng Diyos. Ang kaligtasan ang pinakadakilang regalong matatanggap natin. Ang ating pagkakaligtas ay ang pinagmumulan ng masaganang kagalakan. Ito ang ebanghelyo o ang “mabuting balita.”



Sa mundo ng Griego-Romano, ang terminong ebanghelyoay kadalasang ginagamit ng emperador pagkatapos ng matagumpay na labanan. Ipinapadala niya ang kaniyang sugo sa unahan niya, na naghahayag ng “mabuting balita” ng tagumpay. Ito ay humahantong sa pagsasaya at pagdiriwang para sa lahat sa ilalim ng paghahari ng emperador.



Nang ibinahagi ni Pablo ang ebanghelyo ng Diyos sa mga mamamayan ng Filipos, nagsalita siya bilang isang kinatawan ng makalangit na tagumpay. Ang mabuting balita ring ito ay naglakbay ng dalawang libong taon upang makarating sa iyo at sa akin ngayon.



Ang kasalanan na bumihag sa atin, na mahigpit na bumigkis sa atin, ay napagtagumpayan na. Ang hatol na nararapat sa iyo at sa akin ay napatawad na! Ang kamatayan ni Cristo sa krus ay nagbayad ng kaparusahan ng ating kasalanan, at ang Kanyang muling pagkabuhay ang nagtitiyak ng ating tagumpay. Kung paanong Siya ay binigyan ng bagong katawan, gayon din tayo ay bibigyan ng mga bagong katawan. Kung paanong Siya ngayon ay naghahari sa tabi ng Ama, gayon din tayo maghaharing kasama Niya.



Marami tayong dapat ipagdiwang. Anuman ang mangyari sa ating buhay, kung tayo ay nasa ilalim ng paghahari ni Cristo, ang tagumpay ay tiyak. Maaaring humarap tayo sa mga kahirapan, mga pasakit, pagkasira ng mga relasyon, sakit sa katawan, at iba pang masasakit na pagsubok habang tayo ay naglalakbay. Ngunit malalampasan natin ito sa huli. Lahat ay gagawing tama. Balang araw, uuwi tayo kasama ang ating Hari, ganap ang kapahingahan at ligtas para sa walang-hanggan.



Paano binabago ng walang hanggang pananaw ang pananaw mo sa buhay ngayon?


Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

In All Things

Ang liham na isinulat ni Pablo sa iglesia sa Filipos ay naisalinlahi sa mga henerasyon upang palusugin at hamunin ang ating mga puso at isipan sa ngayon. Ang limang-araw na gabay na ito ay magbibigay sa iyo ng karanasan ...

More

Nais namin pasalamatang ang WaterBrook Multnomah para sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://waterbrookmultnomah.com/books/561570/in-all-things-by-melissa-b-kruger/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya