Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Paghahanap ng Iyong Paraang PananalapiHalimbawa

Finding Your Financial Path

ARAW 4 NG 28

Sinasabi ni Jesus na dapat tayong magbigay ng ikapu.



Pinahahalagahan ng Diyos kung paano natin pinamamahalaan ang lahat ng ibinibigay Niya sa atin. Kung hindi mahalaga ito sa Kanya, hindi magkakaroon ang Biblia ng mahigit sa 2,000 mga bersikulo tungkol sa pera at sa pamamahala ng pera.



Pagdating sa pagpaparangal sa Diyos sa pamamagitan ng ating pera, ang unang hakbang para sa bawat Crisitano ay ang pagbibigay ng ikapu. Ang ikapu ay ang pagbabalik ng unang 10 porsiyento ng iyong kita sa Diyos sa pamamagitan ng lokal na simbahan. Kapag nagdadala tayo ng porsiyento ng ating kita sa ikapu, tayo ay nagpapasalamat sa Diyos, nagpapakita na may tiwala tayo sa Kanya at lumalaban sa kasakiman sa pamamagitan ng pag-una sa Diyos sa ating pananalapi.



Hindi lamang mahalaga sa Diyos ang pagbibigay ng ikapu, ito ay isang kinakailangang bahagi ng pamamahala ng pera. Marami ang naniniwala sa kasinungalingang, "Hindi ko kayang magbigay ng ikapu." Ang katotohanan ay may kakayahan ang lahat na magbigay ng ikapu. Ipinapangako ng Diyos na ibibigay Niya ang bawat pangangalilangan natin at hinihingi na pagtiwalaan natin Siya sa ipinagkaloob na Niya sa atin.



Isipin Ito:

1. Nagbibigay ka ba ng ikapu? Bakit o bakit hindi?

2. Ano ang sinasabi tungkol sa Diyos ng Siya ang nagmamay-ari ng lahat ngunit nais lamang na ibalik natin ay 10 porsiyento?

3. Sino ang pinagkakatiwalaan mo na magsustento sa iyong pamilya? Paano kaya ang mangyayari kung magtitiwala kang susustentuhan kayo ng Diyos?



Manalangin:

Mahal na Jesus, bigyan Mo ako ng lakas ng loob na palaging unahin Ka sa aking pananalapi. Salamat sa buong-pusong pagbibigay Mo sa akin hindi man ako karapat-dapat.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Finding Your Financial Path

Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang ...

More

We would like to thank NewSpring Church for providing this plan. For more information, please visit: www.newspring.cc

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya