Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Paghahanap ng Iyong Paraang PananalapiHalimbawa

Finding Your Financial Path

ARAW 3 NG 28

Hindi ito tungkol sa akin.



Sa sinaunang kultura ng Gitnang Silangan, karaniwang bahagi ng sambahayan ang mga lingkod. Ang mga lingkod ay itrinatong mga empleyado, ngunit kung ang panginoon ay mabuti, ang mga lingkod ay itinuring na mga espesyal na miyembro ng pamilya.



Anuman ang relayson ng mga panginoon at mga lingkod, isang bagay ang hindi nagbago: ang lingkod ay palaging may pananagutan sa panginoon. Mayroong mga gawain na nais ipagawa ang panginoon, at trabaho ng lingkod na tapusin ito.



Bago natin makilala si Jesus, tayo ay alipin ng kasalanan. Iniligtas tayo ni Jesus sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Hindi na tayo alipin ng kasalanan, ngunit sa pamamagitan ni Jesus, tayo ay naging mga lingkod ng Diyos.



Tinatanggap tayo ng Diyos sa Kanyang pamilya at binibigyan Niya tayo ng pamana. Nangangahulugan ito na nagiging bahagi tayo ng Kanyang kaharian, na tutulong tayo sa Kanya na gawing tama ang mga bagay sa lupa nang tulad ng pagiging tama ng mga ito sa langit.



Tinatawag tayo ng Diyos na maging matatapat na katiwala ng mga ibinigay Niya sa atin. Siya ang ating mabuting panginoon. Hindi natin trabaho ang salangsangin ang mga plano ng panginoon o sabihin sa panginoon kung ano ang ating gagawin o hindi gagawin. Ang tungkulin natin ay ang sumunod sa panginoon at gawin nang may kagalakan ang trabahong ibinigay Niya sa atin.



Isipin ito:

1. Itinuturing mo ba ang iyong sarili na lingkod ng Diyos? Bakit o bakit hindi?

2. Pagdating sa salapi, sino ang amo ng iyong bank account? Paano mo ibibigay sa Diyos ang pamamahala sa iyong paggastos ngayong buwan?

3. Anu-anong tatlong mga pagbabago ang gagawin mo ngayong linggo upang maging isa kang mas tapat na lingkod?



Manalangin:

Jesus, salamat sa paggawa Mo ng paraan upang mapabilang ako sa pamilya ng Diyos. Tulungan mo ako na magtiwala sa Iyo bilang aking panginoon. Tulungan Mo akong maging mabuting katiwala ng lahat ng ibinigay Mo sa akin.
Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Finding Your Financial Path

Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang ...

More

We would like to thank NewSpring Church for providing this plan. For more information, please visit: www.newspring.cc

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya