Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Paghahanap ng Iyong Paraang PananalapiHalimbawa

Finding Your Financial Path

ARAW 6 NG 28

Hindi pera ang nagliligtas sa atin. Si Jesus.



Ang pananampalataya—gaano man kaliit—ay isang makapangyarihang bagay. Sa aklat ni Juan, isa sa mga alagad ni Jesus, inilarawan ni Juan kung paanong isang araw ay nag-uumalab si Jesus sa pagtuturo kaya't Siya'y nangaral at nagturo hanggang magdadapit-hapon na. Nagugutom na ang mga tao kaya't sinabihan ng mga alagad si Jesus na kung maaari ay pauwiin na ang ito upang makapaghapunan. Sa halip, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad na maghanap ng makakain. Ang pinakamahusay na kanilang nahanap ay ang tanghalian ng isang batang lalaki. Noong araw na iyon, pinakain ni Jesus ang mahigit 5,000 na tao gamit ang limang tinapay at dalawang maliliit na isda.



Isang malaking himala! Dahil ang isang maliit na bata ay may sapat na pananampalataya na ibigay ang lahat ng mayroon siya, libo-libong tao ang nakakain "at nabusog" (Juan 6:11). Hindi lamang naibalik sa batang lalaki ang kanyang ibinigay, nakapagbahagi din siya sa libo-libo dahil napakarami nito.



Hindi hinihiling ng Diyos na tayo ay magbigay dahil kailangan Niya kung ano ang mayroon tayo. Nais ng Diyos na magbigay tayo dahil kailangan natin kung ano ang mayroon Siya. Ang iyong pananampalataya sa pagbibigay ay may mas malaking impluwensiya kaysa sa kaya mong isipin. Kapag tayo ay nagpasyang magprisinta at magbigay, gagamitin ng Diyos ang ating pananampalataya sa paggawa ng mga himala.



Isipin ito:

1. Sa mga antas na 1 hanggang 10, anong antas ang ibibgay mo sa kakayahan ng Diyos na magbigay? Bakit mo pinili ang gradong ito?

2. Kailan ka huling nakasaksi sa isang himala? Anong nangyari noong araw na iyon? Paano nito nabago ang iyong pananampalataya?

3. Ang bawat himala ay nagsisimula sa isang hakbang ng pananampalataya. Anong himala ang hinihiling mo sa Diyos sa iyong pananalapi? Anong hakbang ng pananampalataya ang kailangan mong gawin?



Manalangin:

Jesus, noong ako ay iligtas Mo, ako ay tinubos Mo mula sa kamatayan patungo sa buhay. Ako ay isang buhay na himala! Dagdagan Mo ang aking pananampalataya habang natututo akong ipagkatiwala sa Iyo ang bawat bahagi ng aking buhay, hindi lamang ang aking kaligtasan.

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Finding Your Financial Path

Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang ...

More

We would like to thank NewSpring Church for providing this plan. For more information, please visit: www.newspring.cc

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya