Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang PaghahanapHalimbawa

The Quest

ARAW 3 NG 7

Kapag pinag-usapan ang tungkol sa pakikipaglapit sa Diyos, ang malaking katanungang "Sino Ka, Panginoon?" ay may isang katanungan pang isinusulat sa basang buhangin ng pagtaas ng tubig: "Sino ako, Panginoon?" Para panghawakan sa iyong isipan na ang ikalawang tanong ay walang kalalagyan ay maaaring maging marangal sa mapagpakumbabang hangarin nito, ngunit ito ay hindi naaayon sa sinasabi sa Biblia. Gumugol ang Diyos ng mga balon ng tinta na ipinangsulat sa Banal na Kasulatan upang sagutin ang katanungang, maaaring pumapangalawa lamang, ngunit pangalawa pa rin ito. Na kadalasang ginagamit Niya ang ikalawang katanungan—sino ako—upang dalhin ang mga tao sa una—sino ang Diyos—ay isang patotoo sa Kanyang lubos na awa at pagtitiyaga. Kung anumang pinaniniwalaan natin kung sino ang Diyos ay hindi nagpapabago sa Kanya ni isang kudlit, ngunit ang ating pagkakakilanlan at kapalaran ay nakasalalay sa bagay na ito. 



Suriing mabuti ang Deuteronomio 33. 



Ang ating pamana ng pananampalataya na iningatan sa Lumang Tipan ay isang napakayamang deposito na imposibleng maubos kahit na ito ay pag-aralan mo sa iyong buong buhay. Mayroon tayong pribilehiyong mamuhay sa natapos nang bahagi ng ginawang pagtubos ni Jesus, ang Kordero ng Diyos, na nailarawan sa bawat sakripisyong ipinakita sa Lumang Tipan. Kapag inilalagay natin ang ating pananampalataya kay Jesus, nagpapasailalim tayo sa bagong tipan sa halip na sa lumang tipan ng sinaunang Israel.



Kung itinatanghal ng Deuteronomio 33 ang labindalawang tribu ng Israel na may magkakahiwalay na bahagi sa itinakdang mangyayari sa kanila, sa pamamagitan ng biyaya ni Cristo ay minana natin ang "lahat ng pagpapalang espirituwal at makalangit" (Mga Taga-Efeso 1:3).



Dahil walang katulad ang ating Diyos, wala ring katulad ang Kanyang mga anak. Ang mga Israelita sa Lumang Tipan ay likas na ipinanganak sa pamilya ng Diyos samantalang tayo ay muling nabuhay dito sa pamamagitan ng Espiritu Santo (Juan 1:11-13; 3:3). Walang alinman sa karapatang ito ay patungkol sa kahusayan. Pareho itong patungkol sa kaligtasan. Pareho silang nakasalalay sa biyaya.



Suriin ang konsepto na makikita sa Deuteronomio 33:29. "Bansang Israel, ikaw ay mapalad! Walang bansa na iyong _________________________?"



Para sa mga taong nananampalataya, ang pinagmumulan ng ating kalakasan ay lubhang kahanga-hanga. Ito ay kung anong pagkakilala natin sa Diyos. Ganunpaman, kapag hindi natin iniuugnay ang Kanyang pagkakilanlan sa atin, ang linyang binuo ng krus na siyang nag-uugnay sa atin sa banal na kapangyarihan ay mananatiling nababarahan ng kawalan ng pananampalataya.



Tingnan natin sa ibang anggulo ang tanong na sino? 



Basahin ang Genesis 3:1-13. Tuntunin ang sagot sa tanong na "Sinong nagsabi sa iyo niyan?" upang matagpuan ang pinanggalingan ng katanungan. Sino ang nagsabi sa kanila ng isang bagay na mapanlinlang na nagdala sa kanila sa kasalanan? Pag-uusapan pa nating mabuti ang paksang tungkol sa panlilinlang bukas.


Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

The Quest

Sa 7-araw na babasahing gabay na ito, gumagamit si Beth Moore ng mga katanungan mula sa Banal na Kasulatan upang dalhin ka sa pakikipaglapit sa Nag-iisang lubos na nakakakilala sa iyo. Ang baluktot na bantas sa dulo ng p...

More

Nais naming pasalamatan si Beth Moore at ang Lifeway Women sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa dagdag pang impormasyon, maaaring pumunta sa: http://www.lifeway.com/thequest

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya