Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang PaghahanapHalimbawa

The Quest

ARAW 1 NG 7

Tayo ay nasa isang lakarin. Kaya isiping tayo ay may kasama sa isang pinalawak na biyahe kung saan ang patakaran na ipinapatupad ay para sa ganap na kalayaang mag-usap basta hindi maaaring magtanong. Magsalita ka na nang magsalita hanggang matuyuan ka ng laway pero hindi maaaring magtanong. Kahit na simpleng, "Anong nararamdaman mo?" o kaya ay "Nagugutom ka na ba?" Ang isang pagpapalitan ng mga pahayag ay maaaring magtuluy-tuloy nang ilang panahon, ngunit sa malao't madali, hindi na kayo mag-uusap. Makikinig na lang kayo sa isa't-isa. Hindi iyan isang pag-uusap. Iyan ay pamumuna. Pagkatapos ng ilang pamumuna, maging ang pinakamagaling makinig ay titigil nang makinig.



Malibang ang nakagawiang pamamaraan ay nagpahele na sa atin hanggang tayo ay naglalakad na nang tulog, ang paglalakad kasama ang Diyos ay isang paghahanap. At ang paghahanap ay hindi paghahanap nang walang mga katanungan. Wala nang mas kabigha-bighani pa kaysa sa sangkap ng pagtatanong sa isa't-isa sa ating relasyon sa Diyos. Sa pasimula pa lamang, hindi Niya tayo sinasagot nang malakas o kaya naman ay isinusulat sa kalangitan ang kasagutan na tulad ng ninanais natin kapag tayo ay may itinatanong sa Kanya. Gayunpaman, napakarami nang mga sagot ang naisulat Niya na hindi natin kayang isipin sa buong buhay natin.  



May naitatag na tayong limang mga banal na katanungan na, kung pangangahasan nating sagutin, ay posibleng iakma at muling pagningasin ang ating lakarin kasama ang Diyos na noon ay nadiskaril, nasukol sa isang daan, nanghina o nawalan ng interes. Simulan mo ang araw na ito sa pagsasaulo sa mga katanungang ito. Mabilis mong ipasok ito sa iyong utak na maaari mo na silang ilista sa iyong mga pangarap. Ang unang dalawa ay itinatanong ng ating Diyos Ama, at ang huling tatlo ay itinatanong ng Anak na si Jesus. Ang ilan ay pinaikli upang mas madaling isaulo.



"NASAAN ka?" (Genesis 3:9)



“SINONG nagsabi niyan sa iyo?” (Genesis 3:11)



“ANONG hinahanap mo?" (Juan 1:38)



"BAKIT ka natatakot?" (Mateo 8:26)



"GAANO pa kadami ...?" (Lukas 11:13)*



Bagama't marami ka pang makakatagpong mga katanungan sa iyong lakarin, ang pagsagot sa limang ito ay magtatatag ng isang saligan na maaari mong balikan para sa pagmumuni-muni at pagsusuri.



Ang iyong mga susunod na araw ay magiging abala sa mga katanungang ito. Naririto ang isang bagay.



Ang epekto ng paglalakbay na ito ay hindi hihigitan ang iyong katapatan. Ang magiging kalaliman nito ay aabot hanggang sa punto kung saan ikaw ay nagiging totoo. Walang bawal kundi ang pagiging hindi tapat.



Puputulin nito ang iyong ginagawang lakarin kasama ang Diyos.



*Ang mga salin ng Biblia na CSB, KJV, NASB at The Message ay may tandang pananong sa dulo ng Lucas 11:13, samantalang ang ESV, NIV at NKJV ay gumamit ng tandang pandamdam para magpakita ng diin.



  


Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

The Quest

Sa 7-araw na babasahing gabay na ito, gumagamit si Beth Moore ng mga katanungan mula sa Banal na Kasulatan upang dalhin ka sa pakikipaglapit sa Nag-iisang lubos na nakakakilala sa iyo. Ang baluktot na bantas sa dulo ng p...

More

Nais naming pasalamatan si Beth Moore at ang Lifeway Women sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa dagdag pang impormasyon, maaaring pumunta sa: http://www.lifeway.com/thequest

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya