Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Pakikipag-usap sa DiyosHalimbawa

Conversations With God

ARAW 3 NG 14

Ang pagpapastol ng Panginoon sa atin ay sa pamamagitan ng Kanyang tinig at tumutugon tayo sa Kanya sa pamamagitan ng ating mga tinig. Hindi ba lohikal na Siya na tumawag sa Kanyang sarili na ang Salita ay palaging nakikipag-usap? At Siya, na lumikha sa atin upang makipag-usap sa Kanya, ay nagsakripisyo ng Kanyang sarili upang makabalik tayo sa Kanya, at alam Niya kung ano ang sasabihin natin bago natin ito sabihin, gustong marinig ang tinig natin na kinakausap Siya? 



Sa kabutihang palad, itong pinaka-makabuluhan sa lahat ng mga pag-uusap ay hindi batay sa ating kabutihan, mga nakamit, o kalidad ng ating mga katanungan. Ang pribilehiyo ng pakikinig at mapakinggan ay batay sa sakripisyo ni Jesus lamang. 



Nagsisimula ang pag-uusap kapag nangusap sa atin ang Panginoon. Ang Diyos ay Pag-ibig at ang Kanyang pag-ibig aydapat makamit para sa relasyon. Ang ating responsibilidad ay kilalanin ang Kanyang tinig at tumugon sa Kanya. Pagkatapos Siya ay matapat na tutugon. Sa kalagitnaan ay masisiyahan tayo sa Kanyang presensya, susunod, at magtitiwala. Sa palagay ko ang takbo ng pag-uusap na ito ay ang paghimok ni Pablo nang sinabi niyang "patuloy na manalangin." Nakikinig tayo sa Panginoon o nagpapahayag ng isang bagay sa Kanya at naghihintay nang may pag-asa sa Kanyang tugon. Ito ang tungkulin at kagalakan ng ating buhay. Sa paglaon, nalaman nating hindi tayo mabubuhay nang wala ang Panginoon ng pakikipag-uusap. Kailangan lang natinmanalangin.



Ang pagdarasal ay kailangang-kailangan na nakapagpapatibay at napagpapalakas. Ang ating pakikipag-usap sa Diyos ay nagpapakilala ng karunungan at nagpapamana ng kapayapaan. Kapag hindi natin alam kung paano magpatuloy, ang panalangin ay ang susunod na makatuwirang hakbang. Ito ay isang kaluwagan. Madali lang. Ito ay kapahingaan. 



Ang pakikipag-usap at pakikinig sa Diyos ay likas na tugon sa ating pangangailangan na magkaroon ng pakikipag-isa sa Kanya—sa ngayon. Tulad ng tapat na pag-uusap ni Tevya sa Diyos saFiddler on the Roof, nakikiusap at nakikinig tayo sa buong araw ng ating ordinaryong araw. Ang Panginoon ay laging tumatawag at naghihintay para maibaling sa Kanya ang ating atensyon. Madalas kong naiisip kung bakit ang tagal nating sumandal sa ganoong relasyon. Kapag tayo ay lumingon, naroroon tayo sa piling Niya—Ang Kasagutan.


Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Conversations With God

Ang Mga Pakikipag-usap Sa Diyos ay isang masayang karanasan na nagpapalalim sa buhay -panalangin, at binibigyang-diin ang mga praktikal na pamamaraan upang marinig ang tinig ng Diyos. Nais ng Diyos na maging masaya tayo...

More

Nais naming pasalamatan si Susan Ekhoff sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.amazon.com/Prayer-That-Must-Power-Conversational/dp/1496185560/ref=sr_1_1?ie=UTF8&qid=1498693709&sr=8-1&keywords=prayer+that+must%2C+the+power+of+conversational+prayer

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya